Hi. Good day. I need legal advise. I hope someone here can help me. Kakarent lang po kasi namin ng isang apartment. then sabi samin by March 16. ready na lipatan. Pero since tinatapos pa namin yung rent namin sa previous apartment. Kaya sabi namin March 21 na kami lilipat. Ok lang samin kahit sa contract start na nila ng March 16 kahit di pa kami nakakalipat kaya nagbayad na kami ng two months deposit and one month advance. Nung March 21 ng gabi, naglipat na kami ng gamit. then March 22, ng hapon lumipat na kami para sana magstart na matulog dun. Pero nagulat kami ang daming garapata sa mga pader. Kaya pala nung unang beses namin tiningnan ung apartment amoy gamot, yun pala infested ng garapata. Ngayon dinadahilan ng landlord na nakatira daw dun dati may aso kaya daw ganun. Eh samantalang sa contract na sinign namin bawal ang pets. Ngayon po, pwede po ba namin iterminate yung contract namin sa pag rent at humingi ng full refund. Parang ayaw na po kasi namin ituloy, may kasama rin kasi kami na 2 years old na bata. Baka maya kahit linisin uli nila, babalik pa rin yung mga garapata. Maraming salamat po sa makakatulong.