Sa kasamaang palad mayron po akong natirang balance sa dati kong school nung elementary na worth 100k dahil sa tuition fee. Para sa 1st yr and 2nd y hs ko dun.
Nung 3rd ako lumipat ako ng school. At dun din ako nagtapos ng hs. Di nila ako pina martsa kasi daw may balance pa ko at wala akong form 137 sa dati kong school. Tinanggal nila lahat ng awards ko sakin at pangalan ko sa listahan. Pero nabigyan naman nila ako ng card para makapag college. At syempre hinanap din dun yung form 137 na hindi namin makuha dahil wala kaming perang pambayad sa dati kong school. Ako sa takot na maulit uli yung mangyari noon nagpasa ako ng form 137 ko na ako mismo ang gumawa. Isa nung 1st yr. At isa ngayong 4th yr. Dahil kinailangan sya ulit.
Nanganganib ako na di uliy maka martsa dahil sa ginawa ko.
Natapos ko naman lahat ng kailngan tapusin. Pwede ba nila gawin sakin yung di ako pagraduatin kahit naipasa ko yung original na papel? Wala naman po akong dinaya na grade dun. Nagawa ko lang po yun dahil alam kong kailangang kailngan ako grumaduate.
Ayon sa student handbook namin falsification of document is subject to 2 weeks suspension for the 1st offense. For the 2nd offense 1sem suspension.
Ano po bang pwedeng gawin sakin ng school. May isang buwan nalang po bago mag graduation.