Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

surname of an illegitimate child

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1surname of an illegitimate child Empty surname of an illegitimate child Sun Mar 15, 2015 12:20 pm

cloudseven


Arresto Mayor

Good day! Tatanong ko lang po kung obligado po ba na ilagay ng lalake apelyido niya sa birth certificate ng bata kung hindi naman po sila kasal nung babaeng nabuntis nya? May kaso po bang masasampa ung bbae sa boyfriend ko kung sakali?

2surname of an illegitimate child Empty Re: surname of an illegitimate child Tue Mar 17, 2015 8:27 am

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,

Walang obligasyon ang ama na ipagamit ang apelyido niya sa anak niya kung hindi naman sila kasal ng ina ng bata.

Ibig sabihin, hindi mapipilit ng ina ng bata ang ama na ipagamit ng ama ang apelyido niya kung hindi naman sila kasal. Kailngan "voluntary" ang pagpapagamit ng ama sa apelyido ng bata. Kapag pinagamit ng ama ang apelyido niya sa bata, ito ay pagkilala na anak niya ang bata. Pagkinikilala ng ama ang bata, magkakaroon ng obligasyon ang ama ng magbigay ng financial support sa bata at pagnamatay ang ama, magmamana sa kanya ang bata.

Best regards,
Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

3surname of an illegitimate child Empty Re: surname of an illegitimate child Fri Mar 27, 2015 7:02 pm

cloudseven


Arresto Mayor

Salamat po atty. Natatakot po kase siya na kasuhan siya ng babae kapag hindi pinagmit yung apelyido ng bf ko sa bata. kung kunwari po na nagkasundo sila sa fixed amount ibibigay nung bf ko nung nagharap sila sa women's desk, kung sakali po ba na hihingi ng mas malaking halaga ung babae pwede po bang tumanggi ung lalake?

4surname of an illegitimate child Empty Re: surname of an illegitimate child Wed Apr 01, 2015 7:18 am

Katrina288


Reclusion Perpetua

Yes. Ang halaga po ng chid support ay depende sa mga pangangailangan ng bata at sa kakayahan ng magulang na magbigay ng suporta.

Ang child support ay para sa living, educational and medical expenses ng bata.

http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum