Hingi lang po sana ako ng payo. Ako po ay isang Web Developer sa isang Web Development company. Dalawa lang kaming programmer, ako yung pinaka-senior na mag four years na sa September at yung isa ko namang kasamang programmer mag two years palang sa April. Nagbigay na po kasi ako ng resignation letter noong February 25 na nakalagay na simula February 25 magsisimula na yung 1 month ko para mag-turn over ng mga pending projects ko. Natanggap na kasi ako sa bago kong trabaho at magsisimula na ako sa March 25. Nakapirma na din ako.
Ang problema, sabi sakin ng TL ko bakit daw agad ako pumirma sa bago kong work na hindi ko pa daw alam kung papayagan akong magresign dahil nga may mga pending projects pa ako. Nung una ang gusto nilang mangyari i-extend ko ang pag-stay ko sa kanila hanggang matapos yung 2 projects ko ngayon at mga maa-approve pang mga projects ng march. Sabi ko hindi pwede dahil baka bitawan na ako nung bago kong company dahil baka isipin pa-importante ako, sabi naman nila mas kabahan daw ako kapag di ko tinapos mga projects ko kasi hindi nila ako iki-clear at di din ako tatanggapin sa bago kong work. Sabi ko kailangang kailangan ko nang lumipat dahil kailangan ko ng pera. Tapos kanina ang naging desisyon, lilipat ako pero pipirma ako sa isang contract na tinatawag nilang "sub-contract" na kahit nasa ibang company na ako gagawin ko pa din yung mga projects nila though babayaran pa din nila ako. Ang problema doon mawawalan na ako ng time para gawin yun dahil full time ako sa bago kong work.
Hingi lang po ako ng advice kung tama po ba yung ginagawa nila kasi nabasa ko dapat 30 days lang ang pag-turn over ng isang empleyado na magreresign.
Karagdagang impormasyon din po, natapos na po noong September 2013 yung napirmahan kong kontrata sa kanila.
Maraming maraming salamat po sa mga magbibigay ng opinyon.
More Power!