These year nung nalaman namin na ang kapatid ko ay sinugod sa hospital dahil sa nagtangka syang magsuicide.. tinanong naming kung bakit nya nagawa yun - ang sabi nya dahil sa problema sa negosyo at di na nya kaya dahil 2 years na pala nya sinosolo ang problema, financial po pala ang problem ng kapatid ko sa mga napag-utangan nya. Binawalan po sya ng Psychologist nya huwag muna magtrabaho dahil ito ang dahilan ng kanyang pagtankang magsuicide. Kaya ang parents namin muna ang kumakausap at humaharap sa mga pinagkakautangan nya… ang problema po dinadamay na rin po ang parents ko sa mga kaso na dapat ang kapatid ko lang ang kasuhan dahil wala naman po kame kinalaman dun lalo na mga parents naming… ang tanong ko po
1.maari po bang idamay ang magulang ko sa kaso dahil siya po yung nakikipagmeeting at humaharap ngaun sa mga napagutangan ng kapatid ko, bawal pa daw po kasi sabi ng doctor nya?
2. ano po kaya ang pwedeng gawin para maprotektahan ang bahay naming sa mga napagutangan ng kapatid ko kasi parang gusto nila kame ang magbayad sa utang na inutang ng kapatid ko sa kanila?
3. Naisip ko po na wala silang karapatan sa bahay naming dahil hindi naman po kame ang nangutang sa kanila at hindi rin kame konektado sa negosyo ng kapatid ko, pero kung maisama sa kaso ang magulang ko paano po kaya naming maprotektahan magkakapatid ang property naming para di nila makuha kasi wala naman po kame pera pambayad sa mga utang ng kapatid ko.
Sana po matulungan nyo po ako kasi marami na pong naghaharass pati sa amin at gusto ko po masecure ang karapatan naming magkakapatid. Alam ko po na nagkamali ang kapatid ko pero di naman po tama na pati kame na kapatid nya at mga parents namin ang magsuffer or magbayad sa kanila.