Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

my sisters problem

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1my sisters problem Empty my sisters problem Fri Aug 29, 2014 1:41 am

carlae


Arresto Menor

hi . yung ate ko po may bf. pero ung bf nia po may asawa kasal, pamilyadong tao ung lalaki..nagkaanak ung ate ko at ung bf nia na may asawa . ung ate ko po hindi kasal . incase na magsampa po ng kaso ung asawang babae ng bf ng ate ko makukulong po ba ang ate ko please answer po

2my sisters problem Empty Re: my sisters problem Fri Aug 29, 2014 5:26 am

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Kung alam nya sa una pa lang na may asawa at pumatol pa sya damay sya sa sintensya! Kung hindi nya alam Lusot sya!

3my sisters problem Empty Re: my sisters problem Fri Aug 29, 2014 4:08 pm

mimsy


Reclusion Temporal

kung alam naman ng ate mo, e lumayo na sya, ano ba kasi ang akala nya basta na lang makakaagaw ng asawa ng may asawa? e kahit pa iwan ni lalaki ang asawa nya pwede pa rin syang maperhuwisyo. pinakamaigi hiwalayan na nya. yung anak nandyan na yan, hingan nya ng sustento. pero por Diyos por santo, masakit na sa bangs yung kabit2 isaue dito. sa simula la lang at alam mong di dapat, wag na ipilit para wag mamroblema.

4my sisters problem Empty Re: my sisters problem Fri Aug 29, 2014 11:33 pm

carlae


Arresto Menor

salamat po sa pagsagot .. lately lang po namin nalaman na pamilyado ung lalaki kase nung may anak na sila ng ate ko

5my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sat Aug 30, 2014 4:17 pm

singlemom2times


Arresto Menor

I was hoping someone can answer the questions, not judge the people needing help

6my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sun Aug 31, 2014 2:49 am

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Pwede syang mag demand ng sustento para sa anak nya. At Kung magdemanda ang asawa ang depensa nya ay hindi nya alam na may asawa ang naka anak sa kanya kaya hindi sya madadamay kapag nagdemanda ang asawa laban sa kanya.

7my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sun Aug 31, 2014 1:32 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

mimsy wrote:kung alam naman ng ate mo, e lumayo na sya, ano ba kasi ang akala nya basta na lang makakaagaw ng asawa ng may asawa? e kahit pa iwan ni lalaki ang asawa nya pwede pa rin syang maperhuwisyo. pinakamaigi hiwalayan na nya. yung anak nandyan na yan, hingan nya ng sustento. pero por Diyos por santo, masakit na sa bangs yung kabit2 isaue dito. sa simula la lang at alam mong di dapat, wag na ipilit para wag mamroblema.

Maiinit na naman ang ulo mo. Very Happy It's hard to say na "pumatol pa din kahit alam na may asawa na". who knows may be the ate is also a victim, naloko lang nung lalaki.

8my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sat Sep 13, 2014 7:30 am

carlae


Arresto Menor

salamat po sa pagsagot nio .. sa mga nakaunawa at nanghusga salamat pa din godbless

9my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sun Sep 14, 2014 6:42 pm

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Pasensya ka na sa kanya kasi mukhang malaki ang problema nya baka isa ring naagawan ng asawa! Rolling Eyes

10my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sun Sep 14, 2014 6:45 pm

mimsy


Reclusion Temporal

hahah! di naman AVW, napagod na lang siguro ako sa ganitong issue sa pamilya sa mga kaibigan. puro kabit2 ang issue. nakakalungkot lang bakit parang masyadong tanggap na sa society...parang sobrang dami ng ganitong problema tapos ang dami palang nalalabag na batas pero walang natatakot sa batas...

11my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sun Sep 14, 2014 6:59 pm

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

If your sister does not know from the beginning that her BF is married walang probable cause ito. Bale ang BF lang nya ang makakasuhan ng concubinage.

12my sisters problem Empty Re: my sisters problem Sun Sep 14, 2014 7:06 pm

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

mimsy wrote:hahah! di naman AVW, napagod na lang siguro ako sa ganitong issue sa pamilya sa mga kaibigan. puro kabit2 ang issue. nakakalungkot lang bakit parang masyadong tanggap na sa society...parang sobrang dami ng ganitong problema tapos ang dami palang nalalabag na batas pero walang natatakot sa batas...

Hindi naman sa tolerate ang ganitong case. Kaya lang minsan di rin tayo basta mag judge kaya nga sila nag inquire para malaman nila ang legal status nila dahil marami rin naman sa kanila ay biktima lang. Kahit paikot ikot o paulit ulit pa ang mga nagtatanong dito, kailangan lang nating sagutin ang kanilang mga katanungan sa abot ng ating makakaya dahil hindi naman lahat sila alam ang pasikot sikot sa website na ito or kung naitanong na ba itong mga katanungan nila dati. Hindi lahat ay may kapasidad na mag search and they find it easier kung mag post sila ng new question. Kaya kalma ka lang!

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum