...Sa aking pagkakaintindi sa Senate Bill #2225 - pwede daw po ma pawalang bisa ang kasal kung ang dating mag-asawa ay nagkahiwalay na ng at least 5 years...
...Na ang kailangan lang isumite ay affidavits or mga certifications mula sa mga kamag-anak at mga taong pwede magpatunay na ang dating mag-asawa ay hindi na nagsasama sa loob at at least 5 taon na...
...Na kapag hindi kayang magbayad sa serbisyo ng abogado, ang korte na ang bahala para maging simple at hindi na magastos and pag proseso ng ganitong kaso...
(maari pong paki correct kung may mali...ty)
Scenario:
Mag 5 taon na po akong hiwalay sa aking dating asawa. Kasal po kami sa simbahan at may 2 anak. wala po kaming komunikasyon at walang sustento. Naghiwalay kami nung madiskubre ko ang mga kahayupang pinag gagagawa nya. ilan sa mga ito: (1) ang pambababae na iniuwi pa nya sa aming apartment at nagkaanak pa sila nito (2) pagsisinungaling tungkol sa madaming bagay (3) pagnanakaw ng gamit at pera (4) walang trabaho (5) pag aabandona (6) blackmail at pagpapatubos sa akin pra sa sariling anak (7) masamang ugali at walang kakayahang bumuhay ng pamilya ( madami pang iba...
sa makatuwid, hindi ko na kinaya ang pag uugali nya at ang masasamang gawain nya.
mga katanungan:
(1) since 5 taon na kaming hiwalay, pwede ko na po itong gamitin dahilan pra magsampa ng annulment gaya ng sinasabi ng SB No. 2225?
(2) kung hindi ko po kayang kumuha ng abogado, pano ko po pwede ifile sa korte ang kaso ko under sa bill 2225 at may pag-asa po ba na umandar ang case?
(3) saan po ba dapat mag file ng ganitong kaso?
sana po may makapagbigay linaw sa akin
maraming salamat po..