Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Hinaharass ng Boss kahit nag submit ng formal resignation

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

DendenPascua


Arresto Menor

Magandang Araw Po Attorney.. Hingi lang po ako ng payo sa inyo tungkol sa sitwasyon ko.

Nagresign po ako sa dati ko company dahil natanggap ako sa bagong company na inapplayan ko. Nag submit po ako ng Resignation Letter sa HR namin na inaccept po naman ng HR pero yung direct Boss ko po ay ayaw ako payagan umalis dahil may mga papeless po sya na pilit pinapahanap sa akin na sa sobrang dami ng dapat hanapin ay hindi po kayang tapusin sa loob ng 30 days....

Patuloy po akong pumasok sa company at tinapos yung last day ko na indicated sa resignation letter ko. Ginawa ko po yung trabaho ko pati na din yung paghahanap sa mga papeles pero kung ano lang po yung nakita ko papeles yun lang ang na forward ko sa boss ko. Nung last day ko po ang sabi sa akin ng boss ko ay hindi nya daw ako bibigyan ng Clearance. Dapat daw pilitin ko hanapin yung lahat ng papeles na pinapahanap nya. Pero dahil yun na po ang last day ko sa company as indicated sa resignation letter ko at kailangan ko na mag start sa bagong trabaho ko ay hindi na ako pumasok.

Ngayon po ay pinadalhan ako ng Boss ko ng letter na naka indicate na wala daw ako Proper turnover ng trabaho at yung mga papeles na pinapahanap sa akin na hindi ko natapos ay nakaka apekto daw sa operation ng kumpanya at pinag eexplain nya ako kung ano daw ang ginawa ko sa last days ko sa company bago umalis.

Na endorse ko naman po sa isang kasama ko sa department namin yung usual duties ko pero yung paghahanap po ng papeles ay wala ako napag endorsan dahil wala naman po inassign na tao sa akin para pag endorsan at ipagpatuloy yung paghahanap kung wala na ako dahil ang gusto ng Boss ko ay ako ang humanap ng lahat ng iyon.


Ang tanong ko po ay:

1. Kailangan ko po ba sagutin yung letter nya na sabihin kung ano ang pinag gagawa ko sa last days ko sa company?

2. Para po kasing gusto nya na bumalik ako sa company para lang hanapin at tapusin ang paghahanap ng mga papeles na iyon.... hindi po ba harassment ito?

3. May legal implication po ba kung hindi ko natapos yung pinagagawa sa akin dahil kulang ang 30 days sa paghahanap ng mga papeles na iyon at malamang po na yung iba ay talagang wala naman record? Pwede po ba ako kasuhan dahil dyan?


Salamat Po...sana po mabigyan nyo po ako ng advice


council

council
Reclusion Perpetua

DendenPascua wrote:
Ang tanong ko po ay:

1. Kailangan ko po ba sagutin yung letter nya na sabihin kung ano ang pinag gagawa ko sa last days ko sa company?

2. Para po kasing gusto nya na bumalik ako sa company para lang hanapin at tapusin ang paghahanap ng mga papeles na iyon.... hindi po ba harassment ito?

3. May legal implication po ba kung hindi ko natapos yung pinagagawa sa akin dahil kulang ang 30 days sa paghahanap ng mga papeles na iyon at malamang po na yung iba ay talagang wala naman record? Pwede po ba ako kasuhan dahil dyan?


Salamat Po...sana po mabigyan nyo po ako ng advice



In theory, wala ka dapat na problema since nagbigay ka ng 30 days na abiso.

Pero may problema.

Kasi dapat ang resignation ay sa boss mo binibigay para i-approve. Sya lang ang makakapagsabi na kung maayos na lahat ng trabaho mo bago ka umalis.

1. Di mo kailangan sagutin ang letter.

2. Since ang sabi mo ay "para po gusto nya na bumalik ako" - so hindi ka sigurado, at palagay mo lang ang gusto nya. Kung harassment yan, dapat ay aggressive pressure o pangungulit ang ginagawa nya, pero kung isang letter lang ang pinadala, standard na procedure lang yan siguro para sa kanila.

3. Baka hindi ka ma-clear.

Ang ibang remedyo mo dyan ay ang pagsampa ng reklamo sa DOLE, pero pag hindi ka nanalo, baka ireklamo ka din nila. Nasa ebidensya ang labanan.

http://www.councilviews.com

DendenPascua


Arresto Menor

Salamat po Attorney sa reply... kung mamarapatin nyo po may mga katanungan pa po sana ako


Yung resignation letter ko po ay una ibinigay ko po sa Boss ko yung isang copy pero dun po sa letter ay naka indicate yung date kung kelan ko ito binigay sa kanya pero hindi ko po nilagyan ng effective date yung last day ko sa kadahilanan nakipag usap po ako verbally sa kanya na baka pwede ako payagan na 2 weeks na lang sa trabaho para yung date na makapag kasunduan namin yun po ilalagay ko sana. Tinanggap naman po nya yung resignation letter ko pero hindi nya po ako pinayagan sa request ko at hindi nya na ibinalik sa akin yung letter.

Ang ginawa ko po ay nag submit din ako ng isa pang copy ng resignation letter sa HR manager namin pero dun po ay naka indicate na yung effective date ng last day ko. Yun nga lang po ay 28 days lang po instead of 30 days effectivity. Tinanggap po ng HR Manager namin at tinatakan na katunayan na receive nya yung resignation letter ko at nagtago po ako ng xerox copy nito. Alam ko po na pinakita nya din ito sa boss ko. Pinasukan ko po yung lahat ng days na indicated sa resignation letter ko up to the last day.

Hindi na po ako pinasweldo dahil pina hold na po ng Boss ko at sinabihan nya ako na hindi nya ako bibigyan ng clearance.


Ngayon po ay lumipat na ako at nag start na po ako ng work sa new company ko then 1 day tinawag ako ng HR at sinabi na tumawag daw yung dati ko boss sa HR namin at sinabi na tawagan ko daw yung dati ko boss.

Tinawagan ko po yung dati ko Boss at sabi nya sa akin na kailangan ko daw bumalik at pilit pa rin na hanapin ko yung mga papeles na iyon. Nagbanta din po sya na dedemanda daw ako kung hindi ako babalik.


Hindi ko na po hinahabol yung clearance ko sa kanila dahil alam ko po na hindi po nya ito ibibigay... ang concern ko po ay yung demanda na sinabi nya kung may batayan po ito at kung may implikasyon po ba kung papaano ko pinadaan yung mga resignation letter ko sa kanila?


Maraming Salamat Po ulit Attorney....

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum