Good evening po.... may iko-consult lang po sana ako sa inyo... may bahay po kami pareho sa manila at laguna... so we go back and forth every now and then between manila and laguna... say 2 months manila 3 moths laguna, sometimes shorter sometimes longer po... ito po ang problema ko... may mga kapitbahay po kami na grupo ng mga 20's ang edad na mga addict...protektado po sila ng tiyuhin ng isa sa kanila na nakatira sa likd ng bahay namin dahil may kaibigan itong retired colonel... kaya malakas ang loob ng grupong ito at mukhang untouchables ng mga pulis din dito dahil sa colonel na ito... nung ginagawa pa p yung bahay namin sa laguna, pinagnanakawan po kami lagi ng grupong ito... mga bakal na gate, 2 accordion na bakal sa tindahan, 48 pairs ofaluminum jalousies, makina ng lumang sewing machine, mga yero at kahoy na antique - lahat po ito ay galing dun sa lumang bahay na giniba... marami po nagsasabi sa amin na itong grupo ang may gawa pero ayaw nila tumestigo dahil takot kay colonel... ang asawa ko, tuwing mapapadaan yung pamangkin ng may kaibigan sa colonel ay napapamura... itong pamangkin ay napapaganti rin ng mura... last thursday, naulit itong murahan nilang dalawa... para mag-cool off yung asawa ko, hinila ko siya sa tindahan at sibnabihan kong samahan ako sa pamimili... pagbalik namin, maraming nagsasabi sa amin na maging alisto... yun pala pagdating namin sa harapan ng bahay namin, nakatayo na dun yung pamangkin at may dalang tubo... winawagayway pa niya yung tubo para ipakita na hwag kami lalapit kung ayaw namin mahataw... inilayo ko yung asawa ko hangggang sa sabihan kami ng kapitbahay na wala na at pwede na kami pumasok ng bahay... ang siste, lumabas uli ito at pinagmumura ang asawa ko... thursday po nangyari ito at dito po kasi sa lugar namin sa laguna, tuwing thursday ay may tianggehan kami sa kalye kaya marami po naka-witness sa pangyayari... pero as usual ay ayaw makialam dahil di po sila taga-rito kundi taga-kalapit bayan... nung hapong yun, nakatanggapkami ng patawag sa barangay at kami pa ang inireklamo ng pagmumura... ang barangay chairman po, for your info sir tony, ay tinulungan po ng pamilyang ito na maluklok sa posisyon sa pangalawang beses... at dito sa second term niya, ang nakalaban niyang mahigpit ay kapatid po ng aking mister... nag-file po kami ng counter charge na grave threat at theft and robbery sa barangay.. pero ayaw po i-take up ito ng chairman nung magpunta kami sa barangay for reason na ibang kaso na daw ito kesa dun sa kung saan ay ipinatawag kami which is only a case of pagmumura... ang ginawa daw po naming counter charge ay simpleng pag-blotter lang daw sa barangay ng aming complaint... gusto ko po ituloy itong kaso ng grave threat kasi natatakot ako at addict itong mga nakalaban ng mister ko... baka minsan sa paglalakad namin ay tirahin kaming patraydor mula sa likod...please advise me kung ano po ang pinakamagandang pwede namin gawin... hindi kami pwede daw magpa-blotter diretso sa pulis at ang sistema daw ngayon ay barangay muna... kapag hindi ma-resolve sa barangay ay saka iaakyat sa pulis and then sa hukuman... eh kaso po sa barangay pa lang, di na uusad... pls help me...
Free Legal Advice Philippines