Ganito po ang sitwasyon. Tatlo po kaming adopted childred na by blood ay magpipinsan (1st degree) din kami. Adopted po kami ng lolo namin, uncle ng mga tatay namin pero wala siyang asawa kaya kami na adopt pero pumanaw na po siya. Wala po siyang will and testament o kaya ari-arihan na pinamana sa amin. Pero meron po siyang mamanahin sa mga magulang niya kasama ang kapatid niya (parents ng mga blood fathers namin).
Ngayon ay paghahatian na ang mga mana since may mga kanya kanya na kaming pamilya. Ang isa sa mga kapatid namin na adopted ay sinasabi na siya lang daw ang magmamana kasi siya daw ang gumamit sa apelyido nung ikinasal siya.
Ang tanong ko po is, wala na ba kaming karapatan na makihati sa mamanahin kahit di namin ginamit ang apelyido niya nung kinasal kami?
Marami pong salamat.