good day po. ilalapit ko lang po yung concern ko dito. kasi nagkakaproblema po kami,may school po yung auntie ko private school po at corporation sya so nakaregister po sya sa sec. as far as i know kumpleto po sya sa lahat ng requirements including bir deped pati ung bldg occupancy na manggagaling sa cityhall. dati po kasi nakaapply daw to sa mayor's permit then hininto bago matapos yung termino ng dating mayor. actually ung cityhall din ung nagadvise bago matapos ung term nila na kung ihihinto yung mayor's permit iapply daw as corporation sa sec. minsan kasi may mga seminar sa cityhall dati so ayun isa sa mga seminar dun un nabanggit at lawyer din ung nagadvice. And problema po ay hindi namin alam kung kailangan pa ba ng Mayor's permit sa case namin lalo na ngayon na nagkakahigpitan sa pagtatayo ng mga business. nagtanong na kasi kami ung iba actually kung may alam kayo sa mga kalakaran sa cityhall may mga fixer mejo marami ung iba magooffer 300 thousand, ung ibang mejo kakilala tlga nasa 200 daw. dahil daw po sa mga penalty na matagal nahinto. ang nakakapagtaka lang po kasi may sinamahan din kami na nirefer namin sa kakilala namin negosyante din 200 thousand din ang hinihingi at nagguaranttee pa sya na masosolve ung permit pero kasi mas marami syang business kaysa samin.. so parang nakahalata kami na pare parehas lng ng presyo bka d naman ganon kalaki ang dapat bayaran at baka marami lang makikinabang sa loob. may mga advice din po samin na magpalit ng name ng school then papalitan name ng owner pero d po namin cnconsider as option un dahil mahihirapan po kami lalo.
tanong ko lng din po kung sakaling kailangan talga ng mayor's permit magkano kaya ang dapat, para po sa amin na huminto magbayad ng permit ng more that 10 yrs.
saka kanino po kami lalapit para malaman yung talgang proseso, nkakatakot po tlga pag walang alam dun kasi mapapagfiestahan ka ng mga gustong makinabang..
salamat po tlga