Nagpasa po ako ng passport at iba pang dokumento sa isang recruitment agency in 2013. Noong 2014 nagkaron ng problema sa employer so nagdecide ako na kukunin ko na lang lahat ng documents ko along with my passport. Without my knowledge, ipinadala na ng AGENCY ang mga original documents ko at passport through LBC sa house address ko. ANg usapan kasi namin ng agency, bago nila ipadala ang documents ko at passport ay magve-verify muna sila sa employer, kung anong feedback nito. To make the long story short, ipinadala nila ang docs ko at passport pero hindi ito nakarating sa akin. After 6 months personal akong nagtungo sa agency para kunin ang passport ko. sinabi nila sa akin na naipadala na nila. Nagverify kami sa LBC, ang sabi ng courier, ang docs ko at DISPOSED na as of JULY 2014 kasi on their FIRST attempt to deliver my docs ay "ADDRESS DID NOT EXIST" (the term they used by the LBC). So LBC did not make any delivery attempts anymore nor try to call the recipient. Sabi ng LBC, they sent a NOTICE OF DISPOSITION sa sender (agency) para ma-disposed na yung docs ko. But the agency said na wala silang natatanggap na notice of disposition. Nagtuturuan na sila. Ngayon, sinubukan kong makipag-usap sa agency na bayaran nilang lahat ang expenses ko sa pagpapa-passport ulit. Noong una, sila ay sumang-ayon thru text messaging. Pero noong tumawag na sila, sinabi nila ay "WALA KAMING PANANAGUTAN SA NAWALA or NA-DISPOSED MONG PASSPORT".
Ano po ang pwede kong gawin para ma-compel ang agency na panagutan ang nawala kong passport. Sila ang sender. Ni hindi sila tumawag man lang or nag-email sa akin na naipadala na ang dokumento ko para ako na mismo nag-track online nito at hindi pa ito sana nawala. ANg laking perwisyo po nito sa akin dahil sa ibang agency ay natanggap na ako pero wala akong maipakitang passport. Nagtiwala ako sa agency na iingatan nila ito. Please help.