Ganito po kz yun yung baby ko is 3 weeks old and nanganak po ako via CS. so need ko ng yaya para iassist ako sa pagbubuhat ng baby. Nanganak po ako is Nov. 11 and na hire ko yung yaya ng Nov 18. pero hndi nagtagal yung yaya samin kz gusto nya lagi mag day off para daw makasama nya boyfrnd nya. Then napag kasunduan namin na every sunday na lng day off nya. then one time Dec 5 , nagpaalam xa na mag day off xa. so pumayag ako kz aalis daw bf nya so matagal daw cla hndi magkikita.pero babalik din daw xa kinabukasan which is dec. 6. pero hndi xa bumalik at nagttxt xa sa dadi ko na babalik daw xa sa bahay may inaayos lang daw cla ng boyfrnd nya kaya hndi xa makauwi agad. pero lumipas ang 3 days at hndi xa nagpakita. kaya nagdecide ako ng tanggalin na lang xa. so dec 8 tinxt ko xa. sabi ko kunin na nya mga gamit nya sa bahay. and on that day pumunta agad xa sa bahay para kunin gamit nya.
then on that day, pinamalita nya sa mga kapitbahay namin na hinihipuan daw xa ng dadi ko kaya hndi na xa bumalik sa bahay. then after that nag file po ako sa barangay namin. para malaman ko bkit nya ginagawa yung ganun kwento. cnabi po nya na nov 30 daw xa hinipuan ng dadi ko sa dibdib. pero ang nov 30 ay linggo at nataon na day off nya. samakatwid wala xa bahay. at cnabi nya na pinasok xa sa banyo ng dadi ko habang xa ay naliligo. imposible po na mangyari yun. dahil ang bahay po namin ay bunggalo. at ang banyo ay limang hakbang sa kwarto ko. pwede po xa sumigaw ng mga oras na yun kung totoo ang bintang nya. at ang pinaka malaki nya kasinungalingan ay wala daw po ako sa bahay ng mangyari yun dahil namamalengke daw po ako. iposible po ang kanyang bintang dahil operada po ako dahil na CS ako. at hndi ko pa po kaya lumabas ng bahay para mamalengke. isa pa po na punto ko, hndi nya rin pwede iwan ang baby ko mag isa sa kwarto ng walang kasama. so paano po xa makakapaligo kng wala kasama ang bata?
malinaw po na gumagawa xa ng kwento. pero xa po ang nagsampa ng kaso laban sa dadi ko. humihingi po ako ng legal advice kz sa ngayon po wala pa po ako nakukuha abogado. ano po ba ang dapat ko gawin? gusto ko po xa sampahan ng paninirang puri sa tatay ko. ngayon po ay nakatanggap kami ng sulat galing sa calamba prosecutor office. pero hndi namin nireceive dahil sa maling pangalan ang nakalagay.
maraming salamat po sa mga sasagot at makakatulong sakin.