Gusto ko po malaman kung papano po magreklamo sa asawa ko. Kung anu po ang mga hakbang at san po ako dabat pumunta para makapag reklamo. Dahil iniwan ako ng asawa ko at sumama sa ibang lalaki. May anak po kami 1 lalaki at 7yrs. old napo. Nasakin po ang anak namin ngayon ang mama ko ang nag aalaga dahil may trabaho po ako. Ang gusto po ng asawa ko makita nya ang anak namin pero hindi po ako pumapayag at ganun din ang magulang ko ayaw ipakita sa asawa ko ang anak namin. Maaari ko po bang itago ang anak namin sa kanyang ina dahil sa kanyang ginawang pag iwan samin. May karapatan parin po ba ang asawa ko na makita ang anak ko kahit sumama ito sa ibang lalaki. sana po matulungan nyo po ako. salamat