how about po yung pag ababdona sa akin at sa ipinagbubuntis ko. am i not entitled for moral damages?dati po dun kami nakatira sa bahay nila. tapos po nag awawy away cla at ako nga po ang pinagbuntunan ng galit ng kapatid nya kaya po nagpaalam ako sa partner ko na uuwi muna ako sa amin but then sabi nya,sasama sya.dun na lang daw kami tumira sa amin so pinadala nya sa akin ang ilang gamit nya akin. pero hindi na po sya nagpakita sa akin after that. ilang beses po syang ipinatawag ng ama ko para makausap pero hindi po sya talaga nagpakita.tinatawagan ko po sya at tinetext nun pero never po syang sumagot.hindi na daw po sya papuntahin ng ina at kapatid nya sa amin.and he was claiming na hindi na daw po nya kayang makisama sa akin dahil daw po sa ginawa ko sa magulang nya samantalang wala naman po akong ginawa sa kanila.ako pa nga po itong minura din ng kanyang ama.lahat po ng sabihin nya at ng pamilya nya,sinusunod ko.kung ano po and desisyon ng ina nya,un po ang nasusunod.ginagawa ko po lahat ng sabihin nila.kahit na po puyat at pagod ako sa trabaho ko,pinipilit ko pa rin pong gawin ang obligasyon ko sa partner ko.ultimong pambili ng sigarilyo nya,ako ang nagbibigay.nagkasakit po ako dun pero ni minsan,hindi man lang po ako naintindi ng partner ko.kelangan ko pa pong tumawag sa mom ko.sobrang sama na po ng loob ko pero wala po akong magawa eh.mahal ko po sya at gusto ko nga pong maging maayos ang pagsasama namin hanngang sa maikasal sana kami next year kaya po tiniis ko lahat ng yun.ano po ba ang dapat kong gawin?
Last edited by cezm on Sun Dec 05, 2010 11:20 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : additional information)