Itago nyo nalang po ako sa pangalang charry Lopez, 28 yrs old at taga calamba.
Gusto ko po sana humingi ng advise..
Hiwalay na po kmi ng asawa ko for 5 years at may dalawang anak..Ako po ang kusang umalis sa bahay nila dahil sinasaktan po niya ako..Kasal po kmi
After 5 years nakarating sakin ang balita na kinunpirma ng bilas ko na may bago na siyang asawa at may isang anak na rin..
gusto ko po sanang humingi ng financil support sa asawa ko para sa mga bata..Pero di ko po kayang kumuha ng abogadong gagawa ng ganon para sakin dahil masyado pong mahal..
ano po ba ang mas magandang paraan para maipaglaban ang aking karapatan at makakuha ng sustento para sa dalawang bata ng di gagastos ng malaki?
Nagpapadala naman po ng pera ang asawa ko dati kung kelan nya maisipan o kaya ay quarterly ng 5,000 pero simula nung ibahay nya yung mag ina nya natigil yun. Yung twing ikaapat na bwan naging wala na..Gusto ko po sanang padalhan nya kmi kada bwan dahil nag aaral na ang mga bata at di sapat ang aking kinikita upang tustusan ang pangangailangan ng mga anak namin..
Sanay matulungan nyo po ako..