Hihingi lang po sana ako ng advise tungkol sa problema ng aming pamilya at ng aming kapit-bahay..
Yung kapit-bahay namin na babae nasa 50-60 yrs old, wala kaming kibot na hindi sya nagreklamo, tuwi-tuwina po na mayroong kasiyahan samin bigla nalang po syang nag-iiskandalo nagtatatalak sa gate namin. At may isang bes na pumasok sya sa bakuran namin at pinagtutumba ang upuan namin dahil sa mayroon daw syang naririnig na nag-uusap, humingi po kami ng pasensya at palagi nyang sinasabi na pinipigilan lang nya sarili nya na sabihin sa kamag-anak ng asawa nya yung nangyayari dahil iba daw magalit yung mga yun pumapatay daw kaya hindi nya binabanggit pati dun sa anak nya na lawyer na madami ng kasong nahawakan at may pagkakataon nga po na sinabihan nya yung pinsan ko na 17 yrs old kaharap yung mga kaibigan nya ng "baka gusto nyo hindi na kayo sikatan ng araw kapag sinabi ko sa kamag-anak ng asawa ko yung nangyayari" lagi po ganun sya. May nangyari nga po na may umuwi na relatives namin na after 15 yrs dun lang nakauwi. Nagkaroon ng inuman sa loob ng bahay sarado ang pinto, mga bintana bali apat po kami nun walang videoke o music. Tapos nagulat po kami may nagsisisigaw nasa gate namin yung anak na lawyer po nya, lahat naman po ng pagsugod nila samin hinaharap naman po sila at nahingi kami ng pasensya kahit sa mga bagay na alam namin na sila na ang mali. Kung anu-ano din po sinabi nung anak nya na lawyer habang nagsisisigaw sa gate namin. Nagpunta po yung mag-ina sa brgy. nagreklamo po silang dalawa at inimbitahan kame, nung maghaharap nasa brgy. yung nanay lang mag-isa hindi na daw sumama yung anak nya. Nagkausap anu magandang solusyon at nasabi ko na dodoblehin yung bakod na mas mataas sa bubong nila ayaw naman nung nagrereklamo dahil maririnig parin daw nila.
Sorry po kung masyadong mahaba, madami pa po sana kaso mukhang sobra na haba ng nasabi ko. Ang tanong ko po paano po ba yung ganitong sitwasyon na gusto nila sila lang ang may karapatan na kapag sinabi nilang wag dapat ganun den gawin namin. Tinanong ko po yung bahay na nasa kabila namin at sa harapan wala naman daw silang naririnig o hindi naman namin sila napupurwisyo kahit kelan man. Meron po bang legal action para sa side namin na pwede naming gawin? maraming salamat po sa oras nyo.