Ipinaampon po ako ng tunay kong ina. Ang usapan po nila ng umampon saakin ay ipapangalan po nila ako sa mga umampon saakin. Ilang buwan po ang nakalipas, kinuha po ng umampon saakin ang birthcertificte ko. Ang nakalagay po na mother ay ang tunay kong ina(na dapat po ay pangalan na po ng umampon saakin), nakalagay din po na kasal ang tunay kong ina sa ama ko na umampon saakin(pero mali po ang middle initial na inilagay nila at kasal po ang mag asawang umampon saakin at hindi po sa tunay kong ina.) Pina late register po ng papa ko, nakakuha po sila ng original copy ng birthcertificate ko na naayon po sa mga impormasyon na nauukol sa mga umampon saakin. Iyon na po ang ginamit kong pangalan at birth certificate at hindi po ang sa tunay kong ina. Ngunit nito lang pong 2012 ay kumuha po uli ako ng birth certificate ko para po sa boared exam, ang lumalabas na po na pangalan ko ay yung pina rehistro ng tunay kong ina na siyang di ko po ginamit sa mga pinasukan kong sekwelahan. nais ko po sanang malaman ano po ang gagawin ko. gustuhin ko man po gamitin yung pangalan ng mama ko na umampon saakin pero wala po lumalabas sa NSO na ganun. naisin ko man pong gamitin ang pangalan ng tunay kong ina ay di po din po pwede dahil mali po ang middle initial ng papa ko at nakasaad din po na sila ay kinasal ng papa ko na siya namang di totoo. sana po ay makatulong saakin. salamat