Ako po ay napagbintangan na nagfalsify kahit diko naman ginawa ang binibintang nila sakin. Ang basehan lang nila ako daw po ang last touch. Kase po ang resibo na binigay sa akin ang amount ay nasa 3k plus pero ang totoo lang pala na amount nung vinerify nila ay nasa 2k plus. Trabaho ko po kase na gumawa ng reimbursement. Ekung ano yung nasa resibo yun po ginawa ko. Pinirmahan naman po ng mga officers kase bago irelease ay nagpapapirma po ako ng mga ginagawa ko. Hindi ko po pinalsify yung resibo kaso ako po ang pinagbintangan agad without any investigation. Bigla po ako naforced leaved at hinold agad ng mga benefits ko. At ang masama pa kakasuhan daw po ako at ibaban sa mga banko. Pwede ba yun na dahilan. Kase last touch lang daw ako sa resibo baka ako daw ngfalsify nun. . 1k lang po ang nawawala. Pilit pa po nila ako pinapaamin kahit diko po ginawa. ANO PO BA PWEDE KO IKASO SA MGA NANIRA SAKIN KASE TOTOO NAMAN PO NA DI KO GINAWA PERO PARANG HINUSGAHAN AGAD AKO NA MAGNANAKAW. AT SAPAT BA YUNG BASEHAN NILA PARA AKO KASUHAN AT TANGGALIN AGAD SA TRABAHO? Please help po