Ang lolo ko po ang beneficiary ng CARP at pumanaw na po sya nung 1999. Ang mama ko po ay isa sa mga anak nya. Last 2012 po ay nag meeting ang lahat ng mga anak ng lolo ko (except for 1 kasi nasa China) at ang lola ko na legal wife ni lolo. Lahat po sila ay pumirma na ng waiver saying na nag waive na sila ng rights nila ng lupa to my mother. Pina notarized na po namin ito. Now after all the process para ma kuha ang title from Landbank, we already have the title na under pa sa name ng lolo ko at two titles po ang binigay ng landbank kasi may national road na naka pagitan (1889 sqm at 3361sqm) . Ngayon po ang isang kapatid ni mama na nasa china ay may right pa rin po kasi di pa sya ng waive kaya plano lang po muna ng mama ko na itransfer yung 3361sqm sa name nya at yung remaining area ay iproprocess pagdating nung kapatid nyang nasa china. Ang tanong ko po, pwd na ba yung notarized waiver ang gagamitin ni mama to transfer that certain area to her name kasi di naman po deeds of sale ang pinirmahan ng mga kapatid at mama nya? What are the other requirments po for the transfer? Thank you po and your reply is much appreciated.