Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help po need po ba mag Suporta at bayaran lahat ng Bills

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

GTheero


Arresto Menor

Good Day Sir/Mam,

Mag tatanong po sana ako, kasi nagigipit na po ako at parang unfair na pag bibigay ko ng suporta.

May asawa at anak po ako, kasal kame sa Simbahan.

eto po problem ko kaya kame nag hiwalay.

1. Pag nagagalit asawa ko ay sinisira nya po ang mga gamit ko pang trabaho. (Laptop, LCD Monito, Router)

2. Kahit asawa nya ako, isinumbong nya ako sa Boss ko sa Manila na may Sinusuportahan akong Company na iba sa Cebu (SideLine).

3. Habang nasa Cebu ako, Pina Block nya yun ATM namin, sabi nanakaw daw. So habang nasa Cebu ako wala akong Pera.

4. Pag nagagalit din sya Ginugupit, Sinusunog at Binubuhusan ng asido yun mga Damit ko.

ang huling away po namin ay ng pumunta ako Cebu, nagalit ang asawa ko kasi bumili ako ng Tuxedo na bago, (Rent: 1500) New: 2100

Lahat ng ginagawa nya ay pinipicturan nya at pinadadala nya sa email ko, ex: yun LCD tinapat nya sa Gripo at Binuhusan ng Tubig.

ayaw din nya po mag savings, kay po daw nag wowork at para gastusin ang pera.

tsaka po pag may pera na sa bank, nauutang po ng InLaws ko. kahit savings po ng anak ko.

Nag Decide po ako na umuwi na muna sa bahay ng parents ko.

Kinuha po nya yun Pinundar ko na Kotse, kasi ang mali ko ipinangalan ko po sa kanya. Ayaw nya po ako pahiramin.

Eto po yun 1st Demand Letter na natangap ko,
1. Kailangan ko po daw mag Bigay ng 30K Cash at ihuhulog ko sa ATM nya.
2. Abandon Daw po

Eto naman po mga Ginagawa ko abligasyon
1. Rent House (8.5K)
2. Elect (5K)
3. Water 400
4. Milk and Diapher and Misc (5K)
5. Tuition 10K per month
6. nag bibigay bigay din po ako ng konting supplies ng food, at nag start na mag work asawa ko, pag need nya konting fund pinadadalan ko. kinuha ko po sya ng ATM para magamit pang emergency

gusto ko rin sana bayaran yun Yaya at Service pero tumangi pumirma na tatangap sila ng bayad.

Now po kahit nag babayad ako puro mura at pang lalait inaabot ko sa Txt nya. kahit humiwalay na ako nag aaway pa kame. Ni Block ko na sya sa Cellphone ko.

Nag Stop ako mag bayad ng Elec, and Water
Naputulan na po sila ng elec ... I dedemanda po daw ako

(Puro demanda, Puro Pera pinag uusapan)

Ayaw ko na po bayaran kasi nagalit ako ng malaman ko na kinuha pala ng asawa ko yun CreditCard ko na hinde ko pa Binubuksan matagal na (4 Emergency)
1. Nag Online Shopping ng Damit
2. Binayaran po nya Bill ng Cellphone nya
3. Bumili ng Ticket papuntang Davao (Cebu pacific)

Nahihirapan na po ako talaga sirang sira na ako sa maraming tao, sya post ng post ng masasama sa Facebook at post din ng post ng mga Verse ng Bible.

Sana po matulungan nyo ako. mahal na mahal ko po asawa ko at anak ko, pero nahihirapan na po ako.

3 Months palang po kame Hiwalay ...

Salamat po

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,

yung amount ng financial support ay base sa kakayahan mo magbigay ng suporta at sa halaga ng pangangailangan ng family mo. Kung nahihirapan ka na talaga dahil sa mga pinaggagagawa ng asawa mo sayo, sinubukan mo ba siya kausapin na magpa-marriage counselling kayo? or na magpatingin siya sa psychologist kung ano ang problema sa kanya?

http://www.kgmlegal.ph

GTheero


Arresto Menor

opo 3 times na ako nag pa counceling

1. marriage counceling (pang sa demonyo po daw yun and kasi po tita ko yun pinaka lider)

2. financial counceling (para po malaman namin kung sino po ba talaga hahawak ng pera - di po daw balance ang pag counceling sa amin dalawang pastor po)

3. yun si Kapitana ng Brgy namin, Bias po daw kinampihan ako.

ang dami po kasi nya alam sa batas kaya po natatakot ako, pati tatay nya idedemanda din po daw ako.

pinaliwanag ko po kaya ako umalis ay pinalayas ako ng anak nya or ng asawa ko, pinababalik na po ako kasi nagigipit na

GTheero


Arresto Menor

yung amount ng financial support ay base sa kakayahan mo magbigay ng suporta at sa halaga ng pangangailangan ng family mo.

paano po kung halimbawa kaya sa sweldo bayaran lahat ng gastusin nila (kung ibase sa sweldo),

pero wala naman matitira sa sweldo ko para sa akin and mag titiis ako sa hirap ...

example po: sweldo is 40K - gastusin a month is 30K   = 10K ??? huhuhu

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum