magandang araw po sir, gusto ko sana ulet magtanong, ako po ay 39 yrs. old... nakipag hiwalay ako sa asawa dahilan sa hindi nya magandang ugali at hindi narin maganda ang tinatakbo ng aming pagsasama... dumaan n din kami sa counseling subalit talagang hindi ko na siya kayang pakisamahan...
nagkaroon na kami ng kasunduan sa barangay n ibibigay ko ang suporta ng aking mga anak gayundin ang hindi n namin papakialaman ang isa't -isa... sumahod ako sa isang buwan ng 20,000 at kada 15th and last day of the month nagbibigay ako ng 5,000 o hindi mababa sa 4,000bukod pa dito ang minsang inaabot ko sa mga bata...
ako ay umuupa ng bahay at my motor n hinulugan n ginagamit ko sa pagpaxok... subalit kada sahod ay nagrereklamo ang asawa ko na hindi sapat ang binibigay kong sustento at lagi nya ako ginugulo, pati ang mga kasama ko sa trabaho ay kaniyang tinatawagan at pinagbabantaan ako n ipapakulong.
ang totoo po kase, matapos namin mag hiwalay ay nagkaroon ako ng karelasyon na hindi rin nagtagal dahilan sa ginugulo nya kami... gusto ko sana malagay sa legal na paraan ang paghihiwalay namin ng asawa ko...
iyon po bang naging kasunduan sa barangay at pirmahan n ibibigay ko ang aking sustento at hindi na papakialaman ang isa't-isa ay walang bisa? iyon po kase ang lagi niyang sinasabi...
tungkol naman po sa sustento, hindi pa po ba sapat iyon, dahil ang gusto niya ay 70% ng sahod ko ang kaniyang makuha, pati po ang mga utang nya ay sa akin din pinababayaran. kung minsan po ay may extrang kita po ako, iyon po ba ay sakop sa hatian ng sustento? sinabi ko din naman sa kaniya na kung sakaling my kinakailangan ang mga bata o magkasakit ay hindi ko pababayaan, mgbibigay pa din ako.
sana po ay matulungan nyo ako. dahilan sa hanggang sa ngayon ay hindi nya ko tinitigilan.