Naghahabol yung babae ng sustento kasi siya lang ang may trabaho sa pamilya niya at hindi kasya yung sweldo niya pambayad ng kuryente, tubig, pagkain nila sa bahay pati gatas at diaper nung kambal. From time to time, tumatawag siya sa lola ng lalaki para humingi ng gatas at diaper. Agad agad naman nagbibigay yung lola ng lalaki at kinukuha na lang nung babae sa bahay ng lalaki. Mahilig uminom yung babae at madami kaming nakikitang pictures niya na lagi siyang nasa inuman kahit sinasabi niyang kulang ang pera niya panggastos sa kambal.
Meron ding time, mga July2014 or Aug2014, na pinahiram nung babae yung isang bata sa pamilya nung lalaki, at yung isa naman sa kanya, para hati sila sa responsibiladad. Inalagaan ng pamilya nung lalaki yung bata. Pero gayunpaman, humihingi pa rin ng gatas at diaper yung babae para dun sa isang bata na naiwan sa kanya. Binibigyan naman siya anytime na humingi siya. Binigyan pa nga siya nga pera pambili ng gatas at diaper para sa 2buwan pero naubos agad, wala pang 1buwan. Pero pag day off ng babae, kinukuha niya yung bata para makasama niya tapos binabalik na lang dun pag may pasok na ulit siya. Kinuha niya yung bata noong Sept08 kasi magbbirthday ng Sept10 yung kambal at sinabing ibabalik na lang after ng birthday. Hanggang ngayon hindi nagpaparamdam yung babae at hindi binabalik yung bata. Tinuloy niya yung kasong sinampa niya na violation of Sec 5E of RA 9262. Nagpapadala ng subpoena sa bahay ng lalaki pero hindi nila tinatanggap. Meron ng arraignment ngayon na nakaset for Nov17. Anong pwedeng gawin ng lalaki para hindi siya maaresto? May laban ba yung lalaki dito sa case na to?
Gusto lang nung babae ng sustento at nakukuha naman niya ito from time to time. Walang nangyaring pananakit, or threat sa kahit kaninong partido.