I am seeking professional legal advice for my concerns I have in. I have too many questions that need to be answered and would be grateful if anyone here would help me. Thank you in advance
This is my story: (it's pretty long so i hope someone will take time to read and help me out with this issue and answer my questions. Again, thank you in advance. It will be a really big help for me na may makatulong sa'kin)
I got pregnant when I was 18 and my parents/grandparents decided that me and my bf (ex now) get married. Nagsama kami as mag-asawa for 1 year lang at nag karoon kami ng isang anak. when our son reached 1yr old(2009). nag hiwalay na kami dahil binugbog nya ako at pinalayas for accusing me that I have someone else. So, pina blotter namin sya at nagkaroon ng kasulatan na mag hihiwalay na kami at kasama dun ang pagsustento sa anak namin, aside from that, we also filed him a case which is the R.A. 9262 - Violence against women and children. Time passed and we haven't heard from him anymore until we found out na sumakay na pala sya ng barko, TAKE NOTE: (he applied as SINGLE eventhough we're MARRIED) pero since nakaalis na sya pinabayaan nalang namin and even yung case that we filled him since hindi naman sya nanggulo na.
After a year, nagkaroon ako ng bf hanggang sa nagsama na kami and we're still together until now together with my son, so bali yung bf ko na ang kinalakihan ng anak ko at sya din ang kilala na ama nito at alam ito ng EX ko but it seems he doesn't care. My son is already 6 now so bali 5 years na ang nakalipas simula nung maghiwalay kami ng EX ko.
Last September nag message sya sakin sa facebook kung ok lang na maging friends kami for the sake of our son, so I was like thinking kung papayag ako or not pero deep inside ayoko at ayoko ng magkaroon kami ng kahit anong connections na most especially sa anak namin pero naisip ko syang replyan at iopen sknya ang annulment, he agreed naman on that PERO with the condition na makita nya ulit ang aming anak. After nun hindi ko na sya nireplyan at sinabi ko nalang sa parents ko ang tungkol dun. Lately lang ng bumaba ang EX ko sa barko after 2 weeks or 3 na nandito na sya sa pilipinas pinuntahan nya ang anak namin sa school, inabangan nya ito na that time yung bf ko ang sumundo sa anak ko, he approached my bf na kung pwede makausap nya ang bata so bali walang nagawa ang bf ko kundi bantayan nalang ang bata, he didn't respond back na since alam nya kung saan sya lulugar.
This is the hardest part for me, by the time na nalapitan na nya ang bata he got carried away with his emotions at sinabi nya na sya ang totoong ama nito at sinabi pa nya sa bata na kesyo kukunin daw nya ito, gusto makasama etc. pag dating ng anak ko sa bahay nag histerical sya iyak ng iyak at tanong ng tanong kung sino daw yung lalaking iyon at kung bakit daw yon sinabi saknya and there was a point na ayaw na nyang pumasok sa school dahil sa sobrang takot na baka puntahan sya ulit ng lalaking yon at kunin daw sya. As a mother, i explained the truth to my son though i know na hindi nya ito masyadong maiintindihan (he's only 6yrs old) I know it's his right to know the truth pero I think this is not the right time para sabihin ang mga bagay na yun sa kanya.
Hindi ko naman ipagdadamot na makilala ang totoo nyang ama pero naunahan lang ako ng EX ko at parang hindi na sya nagisip kung ano ang magiging impact nito sa bata. Sa sobrang galit ko humingi ako ng tulong sa parents ko at sinabi ko ang mga nangyari, sobrang galit na galit ang buong family ko sa nangyari and even yung family ng bf ko dahil naaawa sila sa anak ko.
So, what we did is pina blotter namin ang EX ko dahil sa ginawa nya sa bata, and I think It's like threatening na rin dahil sa pagkakasabi nya sa anak namin na kukunin nya ito. Bali sa letter na ginawa sa brgy. it stated there na hindi pwedeng lumapit ang EX ko sa bata at hindi makakalapit ng walang permiso sa akin o sa aking mga magulang, at pumirma sya sa letter.
After a week, me and my parents decided to talk to my EX together with his family para sa annulment pero hindi sila pumunta instead, nagpasabi sila na hindi sila babayad ng kahit ano patungkol sa annulment at about sa bata naman they said na kung kailangan bayaran ang mga nagastos lahat (reffering to sustento) ay ipacompute na daw kapalit ng bata.
These are my questions:
1. If ganon nga, at bayaran nila ang naging dapat sustento nila noon sa bata pwede bang mangyari na magiging kapalit noon ay ang bata? it's like parang babayaran nila or bibilhin nila ang bata. Possible ba yun?
2. As far as I know, my son is still under my custody pa until he reached 7yrs and that's the time na papipiliin sya kung saan sasama. tama po ba yung pagkakaalam ko na yun o hindi?
3. At what age ang bata na considered abadoned? Mawawalan ba ng karapatan ang tunay na ama nya if ever na madeclare na abandoned ang bata? at kung hindi man, may paraan ba para mawalan sya ng karapatan?
4. Pwede ko pa bang iopen ang case na finile namin sakanya before? which is the R.A. 9262 at ang hindi pagsunod sa pinirmahan nyang kasunduan na susutentuhan nya ang bata.
5. Kung ako ang mag file ng annulment, do you think may reason ba para maapprove ito?
6. Lastly, I just want to know kung meron bang pwedeng ikaso sakin dahil nagkaroon na ako ng bf at nagsasama na kami? (Pls. take note na nagkaroon ako ng bf at nagsama kami after a year na hiwalay na kami at merong kasulatan na merong pirma nya na maghihiwalay kami) I know it's only a letter na ginawa sa brgy. and I know na hindi pa totally void ang aming kasal, pero if that's the case possible bang kasuhan nya ako? kung OO, ano ang pwede kong ilaban about doon?
I made my story short and brief as possible. So, thank you for those who took time to read my story.
I'm looking forward to hearing from anyone soon.