Good day po.
I am writing because until now po ay ayaw magbigay nang asawa ko ng support para sa anak ko. We've been separated for almost 4 years. Noong mga naka raang sampa niya sa barko nagbibigay xa pero kunti lang po. Hindi po ako nag demand kasi may work naman po ako. This time po kasi ang anak ko na lalaki ay nandon sa side nya at ang babae ay nasa akin po.
Sumampa po siya last end of May 2015 pero hanggang ngayon po hindi po siya nagpapadala ng support for my daughter. I tried to talk to him kasi ayoko po sana nang aabot pa na tatawag ako sa agency niya at aabot hanggang POEA. Pero matigas talaga siya at ang sabi niya ang anak na lalaki lang daw ang susuportahan niya. Alam ko po ang legal right ko being a legal wife pero ano po ba ang kailangan kung gawin? Saan po ako unang magsusumbong?
Salamat po sa inyong sagot. Malaking tulong po eto.