Ang pagkurot po sa bata ay normal po sa amin since nakagawian na at ginawa rin po ito ng magulang ko nuon sa akin. Mas worse pa nga po ang mga pamamalo at pananakit nila pero hindi naman po kami nagsampa ng kaso. Nakukurot po ng asawa ko ang aking anak kapag may ginagawang mali. Nung time na po iyon, umuwi ng bahay namin ang anak ko na madungis at marumi ang kamay kasi naglalaro ng buhangin.
Kinausap po namin ang ina ko, ang gusto pala nyang mangyari, at maka-ilang ulit na po nyang ginawa, ay ang paghiwalayin kami. by this time po, ginamit na nya ang nakita nyang mali na ginawa namin pra lang po sa pansarili nyang interest. Walong taon na po kami ng asawa ko at sa walong taon po nun, walang taon na hindi kami ginugulo ng mama ko at pilit po nyang gustong malaman kung saan kami nakatira pra po magkahiwalay kami. nakasampa na po ang kaso sa prosecution at nakatanggap po kami ng subpoena nung nakaraang huwebes, may sampung araw po raw kami na sagutin ang sulat.
Ano po ba ang dapat namin gawin. sana po ay matulongan nyo kami sa problema po naming ito. Maraming salamat.