5 years na din since naghiwalay kami. Nag asawa na ako. Naghiwalay na sila ng kabit niya. Ganon pa din ang set up. P8,000 a month pag nasa barko siya. Pag nasa Pilipinas naman siya, nag-aask pa din ako ng financial support, at nagbibigay naman siya.
Ngayong taon, nalaman ko na nasa Pilipinas na siya. Inaantay namin siyang mag reach out sa amin and binigay ko ang number para makausap niya ang anak namin. Hindi pa niya tinatawagan.
Tapos sabi ko kailangan na ng 6,210 pesos today pero sabi nya "5,000 lang maibibigay ko" tapos sabi ko bakit P5,000 lang? Kasi raw may pinaglalaanan na daw siya three years to pay pa. Sabi ko sige naiintindihan ko.
Tapos biglang nagmessage sa akin at ang sabi "dapat sapat na ang 80k para sa isang taon para macover and tuition, service, tutor, lahat. Ako pa nga bumibili ng sapatos niyan. Mas maganda kung ako na lang magbayad ng annual, i compute natin."
Tapos nafeel bad ako. Sabi ko sige gawa na lang tayo ulit ng Child Support Agreement para naman wala tayong pag arguehan. Ayoko naman maisip niyang ginagatasan ko siya.
Ang kinakatakot ko at kaya ayoko ng conflict sa amin dahil dati rati dumating kami sa isang taon na wala siyang binibigay dahil lang sa nagalit ako sa kanya. Nabuhay kami sa lugaw ng anak ko noon. Kaya as much as possible ay, hindi ako nagagalit sa kanya kapag pinapagsalitaan niya akong ginagatasan ko siya.
Sila rin ang may ari ng manning agency tapos parang parte na sila sa mga Mason. May kapit. Ayoko dumating sa puntong mapunta ito sa korte at lalong lumala at wala pang matangap ang anak ko.
Kapag mason ba, may lakas silang taglay sa korte? Saka nga pala, okay na ba yung notarized lang na written agreement? Paano kung nilabag niya yun, ano ang mangyayari?