Ang mother po namen ay nadiagnose na may stage 4 cancer and we're just being real para sa mga maiiwan nya.
Ang father po namen ay patay na 15yrs ago and si mama ay nakapag asawa ulit sa US pero wala silang anak.
Ang bahay po namen dito sa Pinas ay nakapangalan sa mga magulang namen. Sino po ba ang may karapatan na magmana ng lupat bahay? May karapatan ba ang asawa nya ngayon na makihati?
Ang mama ko po at asawa nya ngaun ay nasa US at meron din silang lupat bahay doon. They also have joint bank accounts and insurance policies na sa pagkakaalam ko ay they made each other as beneficiary. Pwede po ba kameng mga anak na mag claim sa mga conjugal properties nila? Both sa US and dito sa Pinas.
Ang mama ko po ay may ginawang will through US Social services na hindi po alam ng asawa nya, just in case na hindi maging fair sa inheritance pag nawala na sha. Accdg to her will, it will be 50% for her spouse and 50% for her children. Sa hatian na ganun po ba kelangan i-liquidate lahat ng properties nila mag asawa? Ksama po ba yung bahay ng namatay kong papa na technically minana na ng mama ko?
Salamat po sa advice nyo.