Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

breach of contract

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1breach of contract Empty breach of contract Wed Oct 22, 2014 9:22 pm

magelyn.abarra13


Arresto Menor

Ako po ay narito para humingi ng magandang advice para sa Bahay na Huhulugan namin... Ganito po nangyari, may bahay po sa aming lugar na ibibinta lang  ung rights at kami na magtutuloy sa pag ibig... nag-usap po kami ng maayos at pumayag clang hulugan at nagdown po kami ng unang bayad na halagang 15thousand pesos cash with contract... nagkapirmahan po sa Homeowners Association namin at doon nila tinanggap ung pera matapos magpirmahan kasama ang mga board members ng OWA ngunit ngaun umurong ang kabilang panig... ang kulang nalang sa kontrata ay notaryo... pwede po bang kasuhan namin sila ng BREACH of CONTRACT at damages sa ginawa nila kasi naghirap akong i-provide ung pera na un para matupad lang ung pinag usapan namin sa kanila... ano po bang dapat namin gawin para sa kanila... sana po mabigyan po ninyo kami ng magandang advice para dito sa kasong ito... salamat po



Last edited by magelyn.abarra13 on Wed Oct 22, 2014 11:26 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : spelling)

2breach of contract Empty Re: breach of contract Thu Oct 23, 2014 11:03 am

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi, ano ang ibig niyo sabihin sa "umurong ang kabilang panig"? Ayaw na nila sundin yung pinagkasunduan ninyo sa kontrata?

Pwede niyo po silang kasuhan upang sumunod sila sa napagkasunduan ninyo. Hindi naman kinakailangan na notaryado ang kontrata para magkaroon ng bisa. Ito po ang iyong pwede ninyong gawin:

1. Action for Specific Performance with Damages - Ibig sabihin ay hinihingi ninyong tumupad siya sa ping-usapan ninyo ayon sa nakasulat sa kontrata at bayaran ka nila ng damages; OR

2. Action for Recision of Contract with Damages - Ibig sabihin ay ayaw na ninyong ituloy ang kontrata, hihingiin ninyong mabawi ang nabayad na ninyo at bayaran ka nila ng damages.

Ngunit, kailangan po munang padalhan ninyo sila ng formal demand letter na nagsasaad ng nais ninyong mangyari (ituloy ang kontrata o ibalik sa inyo ang perang naibayad na ninyo). At kung kayo ay nakatira sa iisang barangay, sa barangay po ang susunod, bago magkakaso sa korte.

http://www.kgmlegal.ph

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum