Magandang Araw sa inyong lahat,
Hihingi po sana ako ng tulong o advise sa mga taong nakakaalam kung paano magsampa ng demanda sa employer.
Ganito po ang nangyari.
Noong nakaraang araw, naka-tanggap po ang tatay ko ng text message galing sa hindi nya alam na numero, puro kabastusan at pambabastos ang mensahe, kasabay nito ay nagtext din ang anak ng employer ng tatay ko, sa di sinasadyang pangyayari, nireplyan ng tatay ko yung nambabastos ngunit naisend nya ito sa ibang tao, naisend ito sa anak ng employer nya. Agad sya nagtext ulit at nagpaumanhin dahil sa di sinasadyang pagkasend nito sa kanya. Sa parehong araw pinakita ng anak ng employer sa kanyang tatay ang na-"wrong-send" na text message, medyo nakainom raw yung employer at agad sinugod ang tatay ko, nakamotor pumapasok ang tatay ko, kaya ng siya ay sugurin, naka helmet pa sya, agad siyang sinuntok sa muka at nagtamo ng sugat sa pisngi dahil sa pagtama ng helmet. Matapos nito, tinawag ang mga nakapaligid na mga tao, mga empleyado rin niya, at sinabing binastos ang kanyang anak at hiniya sa harap ng lahat ng tao ang tatay ko, kinuha nila ang cellphone at motor ng tatay ko, pinatawag ang kapatid ko at kanyang asawa, nang dumating sila roon, doon na ikinwento ng employer ang ginawa ng aking tatay (tandaan na hndi naniniwala ang employer na wrong send), at hindi pa dyan nagttpos, nang kausapin ng kapatid ko ang anak ng employer, sinabi nito na siya ay minolestiya ng tatay ko noong sya ay 17 years old pa lamang (ang anak ng employer ay kasalukuyang 19 years old). Sabi n kapatid ko, habang kinakausap nya ay hindi makatingin sa kanya ng tuwid at halatang tinuruan lamang kung ano ang mga sasabhn. Magdedemanda ngyon ang employer sa tatay ko. Nang kausapin ng kapatid ko ang employer pra makiusap na huwag nalang magdemanda, ito ang nging sagot niya, "Kailangan namin magdemanda, kasi kung hindi, baka kami naman ang balikan ng tatay mo sa labor." (Tinutukoy niya ang Dept of Labor)
Ngayon, dito magsisimulan gumulo, sana basagi nyo parin.
Yung employer nung tatay ko kasi, naging matalik niyang kaibigan bago pa siya magtrabaho sa kanya. Una siyan nagtrabaho dito ng kunin siyang dispatcher ng taxi nung ako ay nasa mga 11 years old pa lamang (25 na ako ngyon). Umalis siya doon malipas ang 3-4 na taon. On and off ang trabaho nya noon sa loob ng 4 na taon na yun dahil madalas sila magaway pero binabalik siya dahil nga sila ay magkaibgan. Nakahanap ng ibang trabaho ang tatay ko mtpos nun, peo nung 2007 nagkita sila ulit at inalok ng trabaho, para maging personal driver ng mga anak ng employer at personal assistant ng employer at ng kanyang asawa. Hindi ko rin malaman kun bakit tinanggap pa ng tatay ko yung trabaho dahil P5,000 lng ang sweldo nya sa isang buwan, (ngayon ay tumaas na ng P7,000) at minsan ay pati Linggo tinatawag siya. Isa pang masama dito ay wala siyang Payslip, COE o kontrata, hindi din siya binabayaran ng Overtime pay o kahit Holiday pay simula noon 2007, wala rin siyang hulog sa SSS at Pag-Ibig (last year lng nagsimula maghulog an employer sa SSS at Pag-Ibig). Kaya niya nasabi na baka balikan sila ng tatay ko sa labor dept. Nagkaroon na ng unang kaso ang employer sa D.O.L.E ngunit inurong nung nagsampa ng kaso kahit malaki an tsansa nilang manalo dahil gipit sila sa pera, tinanggap nila ang P20,000 na binigay ng employer pra wag na tumuloy.
So ayun, magdedemanda daw yung employer ng tatay ko ng pang momolestiya sa menor de edad. Nakatanggap pa ng text message ang kapatid ko kagabi galing sa isa pang anak ng employer, sinasbi nito na nakita raw niya dati na minomolestiya nga yung kapatid niya, tpos nakiusap lng dw yun tatay ko na wag na ipagsabi.
Mga ma'am at sir, kilala ko tatay ko, hinding hindi niya magagawa yun, may mga kapatid siyang babae, mga batang pamangkin, anak na babae at may 3 taong gulang na apong babae. Alam ko na hindi totoo ang binibintang nila.
Medyo linawin din po natin ang storya. Sbi rin ng tatay ko, may posibilidad na yung employer din yun nagpasimuno nung bastos na text message at sinabay na magtext yun anak pra sadyang ma-wrong send siya. Matagal na din pinapaalis ng nanay at kapatid ko yung tatay namin doon dahil nga di maganda ang ugali ng employer, lagi siyang pinagbibintangan ng kung ano ano, kesyo may mga ninakaw na gamit at pera kaya tinatanggal siya noon, pero dahil nga magkaibigan, nagpapatawaran at bumabalik din sa trabaho. Pero prng iba na yung ngyon, gusto na nya talaga tanggalin ang tatay ko, kya gumawa sila ng kwento at demanda pra hndi na magsumbong sa labor dept.
At dagdag pa rito ay Ninong ng kapatid ko sa kanilang kasal ang employer ng tatay ko. At pumunta din kami sa house blessing nila nung nakaraang taon.
Ang hirap ng sitwasyon namin ngayon. Hindi kami mayaman, pero gsto din namin sila idemanda. Sila, mayaman, may mga pulis dn na binabayaran.
Sana matulungan nyo kami kung anong dapat namin gawin.
Maghihintay po ako ng sagot, sana ay may oras kayong basahin ito at bigyan kami ng advise kung ano dpat ang gawin namin
Maraming salamat.