may ka live in ako ngayon, meron siyang anak na 4yrs old na trinato ko na parang tunay kong anak, also after a year nagka anak na kami na ngayon ay 4 months old. nabasa ko ibang thread dito na sa nanay pa din ang custody ng bata hanggang 8 yrs old. sa ngayon kinakasama ko pa sha dahil sa mga bata kasi ako pa din ang bread winner sa pamilya dahilang wala shang trabaho, ako lahat sumuporta kahit nung pinagbubuntis nya yung unang anak nya sa unang lalaki kasi mahal ko yung mga bata at ayokong mapahamak sila or hindi matugunan yung pangangailangan nila gayang gatas, diaper, etc., dun sa tunay kong anak i know responsibility ko na ibigay yung nararapat na suporta sa kanya. Ang tanong ko lang po kung magkakahiwalay kami ano pwede kong i file na kaso para maging lehitimo yung pagbisita and/or pag stay ng bata kung ilang oras or araw na pwede sa bahay namin (my mothers house). napuno na kasi ako. halos tuwing magaaway kami iniisip ko nalng yung mga bata at lulunukin ko nalng pride ko para suyuin sha kahit alam kong punong puno na ko sa kanya. mas bata po kasi sha saken ng 10yrs, im 34 yrs old now. at second question atty, yung hindi ko tunay na anak pwede ko din bang makuha ng ilang oras or pwede na nya ko ikaso ng kidnapping? sobrang napamahal na po kasi saken yung batang yun.
Actually atty, masama mam... gusto ko iparanas sa kanya ang hirap kung pano mag trabaho at kumita ng pera, sobrang kayabangan kasi nung ka live in ko na akala mo pinupulot ko lang ang pera at sa totoo lang hindi marunong humawak or magbudget ng pera. pero i know na pag ginawa ko yun, yung 2 bata yung mag sa suffer. sana mapayuhan nyo po ako.
Thanks and more power!
Last edited by superman143 on Tue Aug 26, 2014 3:40 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : spelling / text word)