hi po. hihingi po sana ako ng tulong kung ano po ang pwede kong isampang kaso sa dati kong kaibigan na nangutang ng 25k at hanggang ngayon ay di pa rin nakakapagbayad. december 2013 po ng inutang niya iyon sa akin dahil nagalaw daw niya ang pera ng kanilang kumpanya. bilang kaibigan ay pinahiram ko siya ay nagkasundo na babayaran sa loob ng tatlong buwan, Marso 2014. dumating ang Marso at di pa rin siya nakabayad, nagkaroon kami ng kasulatan na nagsasabing babayaran niya iyon hanggang Agosto, ngayong buwan at isinaad niya na pag di siya nakapagbayad ay magsasampa ako ng kaso. nilagdaan naman niya iyon. ngunit sa bawat buwan na nagdaan ay puro siya dahilan na di makakabayad. ilang beses ko na rin siya binigyan ng panahon, ngunit wala yatang balak magbayad. at ako pa ang kumokontak para malaman kung makakapagbayad siya. ngayon,humantong na po ako sa di na ko naniniwala sa mga dahilan niya at gusto ko na lang pong magsampa ng kaso. ano po kaya ang pwede ko pong isampang kaso? maraming salamat po. mahalaga po ang pera na iyon, pero kung di na po talaga maibabalik ay sana po maparusahan po sila sa kanilang ginawa. salamat po.
Free Legal Advice Philippines