Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Qualified theft filed against the coco farmer tenants

Go down  Message [Page 1 of 1]

bert_maniko@yahoo.com


Arresto Menor

Dear Attorney,

Good day po.

I need your advice.

Tenants po kami, sa lupa po ng filipino chinese dito sa sarangani province, more than 40 years na po kaming coco farmer. Last 2006 namatay po ang aking ama at ang aking ina po ang humalili. Ang kita po sa koprasan sa simulat sapul ay 1/3 po ang share namin. Lahat ng expenses sa pangongopras ay kami po ang nagshoshoulder.
Noong 2013 namatay po yung tatay na amo namin na filipino chinese na amo talaga namin. At ang pumalit na namamahala sa kanilang lupain ay ang anak nito. Naging maayos naman ang pakikitungo.
Peru noong January 2014, nagkagulo dahil may  intruders po sa lupain at kiniclaim na sila ang may ari. May mga documents (land title)din sila na pinapakita.  As far as I Remember noong 1995 nagkagulo din, peru bigla namang  natahimik. Ngayon po yung pagpasok naman nila tyming po na patapos na po ang pangongopras ng nanay ko at mga kapatid ko. Ang pagpasok ng intruders ay agad namang inireport ito ng nanay ko duon sa amo namin. At ang advice i update lang sila from time to time. Hanggang sa isang araw Kinuha  po ng intruders ang copra at ibinenta, hindi din po kayang pigilan ng nanay ko dahil MILF po ang kasama ng mga intruders at binigyan ang aking ina sa 1/3 na share nito. Ngayon nagalit po yung amo namin na intsik dahil di po napigilan ng nanay ko ang pagbenta ng copra. Ngayon gusto nilang kunin na witness sa pagnanakaw ang nanay ko, subalit tumanggi ito dala ng takot. Nagbanta ang amo namin na isasama sa kaso ang nanay ko dahil ayaw tumistigo. Dahil naman sa takot, agad nagpaalam ang nanay kosa amo namin  na umalis sa lupain. Pumayag naman ang amo namin verbally. Umalis ang nanay ko na kahit piso ay walang natanggap mula sa amo namin na kung tutuusin halos 50% ng niyog sa lupain ay kami ang nagtanim.
Akala namin ok na ang lahat, ngunit noong July 5 nabigla kami na kasama palang kinasuhan ang nanay ko ng QUALIFIED THEFT.
Ano po ba kailangan naming gawin?
Totoo po ba na 100,000 ang bail ng Qualified theft
Pwede rin po ba kaming magfile ng kaso sa amo namin?
Yung 1/3 share na natanggap ng nanay ko di po umabot ng 2o,ooo, kasama po ba sa qualified theft yun?
Kung kukuha kami ng abogado, anong klaseng abogado po?
Totoo po ba na kapag kinasuhan ng qualified theft ay huhulihin agad?

Tatanawin ko po na isang malaking utang na loob ang lahat po na advice ninyo. Naawa po ako sa nanay namin, 65 year old na po at may marami na pong karamdaman.

Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum