Itatanong ko lang po sana tungkol sa mga kabisado ang paikut-sikot ng kasong Oral Defamation. Pag ba hindi ka kilalang tao sa lipunan, puede bang tiisin mo na lang yung mga panlalait at pampapahiya sa yo ng mga "bully" na kapitbahay dahil maliit lang naman na damage na puede mo makuha at yung kulong e "aresto mayor lang ata ang parusa vis a vis sa gagastusin mo sa kaso na to. Kung nagkapalit kasi ng sitwasyon at yung kamag anak ko yung nagkocommit ng Oral Defamation, malaki yung puedeng makuhang damage nung bully dahil Trader siya sa ahensa ng gobyerno na nagpapasugal kumpara sa kamag anak ko na sa pabrika lang pumapasok. Ang alam ko kasi pag mataas ang kalagayan mo sa lipunan, malaki yung damage na puedeng makuha ng ganung plaintiff pag siya yung nagawan ng oral defamation na kaso o libel.
Thank you in advance po sa pagliliwanag ninyo.