Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

JEEPNEY ACCIDENT

Go down  Message [Page 1 of 1]

1JEEPNEY ACCIDENT Empty JEEPNEY ACCIDENT Sat Apr 19, 2014 7:20 pm

nel_05


Arresto Menor

Hi good day ..noong November 25, 2013 Monday, alas-5 ng umaga, nawalan po ng preno ang pampasaherong jeep na minamaneho ng daddy ko (regular po ang maintenance ng preno ni daddy every friday, tuwing number coding) ..nangyari po yun sa palusong na daan at sa dulo ng daan ay kurba .. puno ng mga pasahero ang jeep kung kaya't minabuti ng daddy ko na wag iliko upang hindi tumaob ..rumampa ang jeep sa gutter at bumangga sa mga puno.. sugatan ang lahat ngunit salamat sa Diyos at walang nasawi ..

yung iba ay nabalian ng buto kabilang ang mag ama kung saan yun ama ay lumabas ang buto sa balikat ..ang naging bill po nila sa hospital ay umabot po sa 300,000 ..at yung isang nabalan po ay nangutang ng 80,000 sa kanyang tiyahin upang mapabakalan agad yung paa ng anak nyang kasama sa insidente ..ang sabi po ng mommy ko ay ilapit po yun sa PCSO para hindi malaki ang gastos ..ngunit ayaw nya ..kaya nangutang agad sya ng 80k ..

pinababayaran po nila sa amin lahat ng nagastos nila ngunit wala po kaming kapera-pera ..kung hindi daw po namin yun mababayaran, ay kakasuhan nila ang daddy ko ..sa April 29, 2014 po ang final hearing nila sa barangay ..noong late february or early march lang po sila nagreklamo sa barangay, nung hindi po talaga sila makakuha ng pera sa amin ..at pag hindi pa daw po nagkasundo ang complainant at ang daddy ko ay iaakyat na ang reklamo sa nakakataas ..

hindi po satisfied yung mga biktimang gumastos ng malaki sa nakuha nila mula sa insurance ng jeep na 15,000 each para sa mga nasugatan ..at 60,000 each naman kung sakaling may nasawi ..ngunit wala na po talaga kaming kapera-pera ..nakikiboundary nalang po ngayon ang daddy ko at irregular ang paamasada ..

hindi po reckless driver ang daddy ko at yun din po ang lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis, na aksidenteng nawalan ng preno ang jeep ..

hinold po si daddy sa police station for about 3days and 4nights ..naghihintay kung may magrereklamo, pero wala pong nagreklamo ..

may laban po ba kami? at kung sakali po bang ibebenta namin yun prangkisa ng jeep, maaari na po ba? iniisip po kasi namin baka pag ma nagreklamo sa LTFRB eh ihold yung prangkisa ..kawawa naman po yung makakabili ..

sana po matulungan nyu po kami ..sinikap ko pong gawin precise ang infos for a better pieces of legal advice ..PolSci student po ako at aspiring lawyer, ngunit wala pa po akong sapat na kaalaman sa ganitong kaso ..matulngan nyu po sana kami ..Thank you and God bless ..

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum