tpos nakalagay din po dun sa contract na kung matapos man at pumasa ko sa training commited ako na maging employee nila for 3 years as stated daw sa contract na yun at sa probitionary contract na ibibigay nila after training.
pag umalis daw kami kahit di pa tapos yung 3 years na yun, nakalagay din po na mgbabayad kami ng 300k for liquidated damages. pero nakalagay din po sa contract na yun na comitted din po sila dapat na ihire kami after training prigram. natapos ko naman po yung training ng 6 months.
sa promisory note po nila na nakanotaryo sabi po dun na maeextinguished daw po yung 268k once matapos daw po namin yung training ng six months and nahire po kami as probitionary pero wala po naka state sa promisory note na nakaattach dun sa agreement na nakanotaryo yung 300k.
ang problema po wala pa rin po sila pinapapirma na contract for probitionary 3 months na po kami naghihintay. Nangako po sila na end of feb pero april na wala pa rin po. sabi po ng hr nakapasa naman po kami at employee na po kami by words lang po pero wala pa din po kami napirmahan na written contract as probitionary. yung rate po namin ngayon e rate pa din po nung trainee kami though kinakaltasan na po kami ng sss tin etc. nangako po sila na babayaran po nila yung kulang once na napirmahan na namin yung probi agreement. kesyo idedate naman daw nila yun ng january.
ang gusto ko lang po malaman kung sila na yung nagbreach ng contract nila at may karapatan na po ba kami na hindi pumirma sa contract nila para maging probi at umalis sa kumpanya at my reason na po ba kami para di bayaran yung 300k na bond? natatakot na po kasi ako pumirma dahil yun plng hindi na nila matupad pangako nila and 3 years is risky lalo na yung 300k knowing na super toxic yung work na minsan 29 hours kami sa office and ang hirap ng task.. pwede ko na ba idahilan yung delay ng contract para makaalis sa kanila? 3 mons is already half ng period ng pagiging probi kasi tpos hanggang ngayon wala pa. isa pa yung training namin internal lang sa office pero they demanded that such amount. kahit mangako sila na babayaran nila yung kulang after pirmahan yung probi employment agreement parang risky din yung pangako nila dahil sa ginawa nilang delay ng contract. my way ba para makalabas ako ng kumpanya na di kelangan bayaran yung bond. nagiging unfair na kasi sa side ko as employee na walang kasiguraduhan kung employee nga... thanks po in advance