Gusto ko lang po sana humingi ng advice, almost 33 to 35 years na kaming nag rerent ng bahay, may negosyo narin po kami na kilala na ng tao na dito samin banda ang pwesto, pati ang mga business permit namin at calling card dun na naka address. Pero isang araw bigla nalang po kaming pina aalis ng may ari, sinabihan po kami na mag hanap hanap na nang matitirahan at malilipatan, ano po ba ang dapat gawin? anu po ba ang habol namin? wala naman po kaming utang sa may ari, tapos pag nag papa ayos po kami ng bahay ay hindi po nirerefund ang pera na pinang ayos namin, at actually yung office ng business namin kami ang nag patayo, dati daanan lang yung space na yun, pero walang ni refund sa binayad namin, tapos bigla kaming pinalayas.. ano po ba ang dapat naming gawin? wala po ba kaming habol? pwede din po ba kami paalisin basta basta?
Please help me, and answer all my questions.
Thank you po!