Newbie here. Magtatanong lang po sana ako regarding sa problema sa agency ko. Kinakaltasan po kase kame ng Php100 per pay day para sa cash bond pero ibibigay naman daw kapag natapos ang contract sa agency and nagpaclearance na nagawa ko naman ng maayos last December. Ang sabi sakin after 60 days makukuha ko daw yung cash bond. Nagfollow up ako after 60 days pero ayaw nila akong bigyan ng exact date. Sa kakakulit ko, sinabihan ako na March 20 ko daw makukuha. Come March 20, wala pa daw yung cash bond at magantay na lang daw ako ng text. Tinanong ko ulit yung exact date pero binagsakan ako ng phone. Nagtry ako magfollow up for 1 more week pero kung hindi ako binabagsakan ng phone e wala pong sumasagot. Nagfile ako ng money claim sa DOLE. Nagrerequest din po kase ako ng copy ng contract na pinirmahan ko plus explanation ng 5% miscellaneous fee na hindi na maexplain para san. Nagharap kame twice sa DOLE ng representative ng agency pero hindi kame nagkaron ng amicable settlement. Ang sabi ng arbiter sa DOLE, magfile daw ako sa NLRC which ginawa ko na kahapon. Ang hiningi ko po kase is Php4,433 (Php1,800 cash bond, yung kinaltas na Php1,233 miscellaneous fee and Php1,400 compensatory damages kakaabsent ko dahil sa pagfollow up sa cash bond) at ayaw ibigay yun ng agency. Ang ibibigay lang daw po nila is yung cash bond. Me mali po ba sa hinihingi ko? Nireresearch ko din po kung me certificate or registration ang agency ko and nalaman ko na wala ang pangalan nila sa BWC at sa Bureau of Local Employment. Malakas po din po ba ang kaso ko against sa agency ko and in case di nila ibibigay yung amount na hinihingi ko after 2 hearing sa NLRC, ano po ang next step?
Thank you po in advance sa sagot at tulong.