Magpapa advice po ako sa sitwasyon ko po ngayon. Nag resign po kasi ako sa company na pinagtatrabahuan ko nung March 27, 2014 ang effectivity date po ay April 20, 2014. Kanina ay may ipinapapirma na “Training Agreement” na worth 35K. Pinag training po kaming mga System Developers sa isang training facility. 5 days training po iyon na nag start noong January 27, 2014 to January 31, 2014. Wala pong ipina pirma na “Training Agreement” bago kami ipinadala para mag taining. At hindi pa po ako regular sa mga panahon na iyon. Naging regular employee po ako noong February 18, 2014. Hindi ko pa po pinipirmahan kahit na pinipilit ako ng Supervisor ko na pirmahan ko na kasi lahat naman daw kaming mga System Developers ay binigyan ng “Training Agreement” na pirmahan. Hindi po lahat ng binigyan ng “Training Agreement” ay regular employee po. May 3 contractual na pinapirma kanina at pinirmahan naman po nila.
Mag AWOL na po ako since hindi ko naman po pinirmahan yun at for sure ihohold nila ang sweldo ko kasi ayaw kong pirmahan ung “Training Agreement”. May habol po ba sila saken? Pwede po ba akong idemanda ng kompanya ko? Kung sakaling ikakaso ako anung kaso ang haharapin ko at kung anung pwede kong ilaban? Maraming salamat po.