Good Morning po. Delayed na po kami ng 4 nabuwan sa amortization sa banko. Pinadalhan po kami ng sulat ng banko na dapat namin bayaran ang 3 buwan sa araw ng March 28. Nakiusap po kami na bayaran namin ng March 31 kasi po yon pa ang araw ng suweldo namin kasama ang penalties.
Pagdating po nag March 31 binayaran po namin ang tatlong buwan kasama po ang penalties pero tinanggihan po ang aming bayad.
Pangalawa napo itong pangtangi nila dahil po yong una noong akinse nagbayad kami ng konti para pagdating ng katapusan hindi gaanong mabigat.
Malaki na po ang gastos namin paroon at parito para magbayad.
Pwede ko po bang ihabla ang banko? Ma foreclose po ba yong property namin kahit nagbayad naman kami sa binigay nilang amount kasama ang penalties?
Iyon po sinasabi namin na madelay man kami bayaran din namin penalties. Nakikiusap po kami sa kanila palagi.
Sana po masagot nyo ako sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat po.
Arirospoy