Naawa lang po ako sa friend ko. Ganito po kasi sitwasyon nila.
Mahigpit po yun Fastfood na pinapasukan nya dapat daw 15mins before ng duty nila mag in na daw sila ex. 11am pasok nila dapat mag in na sila ng 10:45am. so kapag nag in ka na ng 10:46am considered late na daw.nanyari po kasi 2 consecutive na late sila tig 1 minute? so pinagawan sya written explanation bakit daw sya na late? ginawa na nya 1hr before dumarating na sya sa pinapasukan nya fastfood para di sya ma late. kaso eto naman po yun sitwasyon. 10hrs sila andun sa fastfood 2hrs po yun break nila kaso bago sila pinagbreak meron daw silang policy na clean as you go? so bago sya mag lunch break force silang maglinis muna? so umaabot ng 30mins yun paglilinis nila bago sila makakain lunch? tapos kapag uuwi naman sila pinaglilinis naman sila na minsan umaabot ng minimum of 30mins to 1 hour na di sila bayad? nun isang beses naman nagkaroon sila general cleaning sa fastfood store nila na umabot ng 2 hrs yun overtime nila na di bayad? worst pa yun mga naka day-off pinapasok ng manager nila at force pinag restday work na with o.t. pa di pa bayad? sabi nun manager nila part daw ng work yun di sila bayaran ng overtime. araw araw nila nararanasan yun kaya nakakaawa sila ilang oras na lang pinapalagi nila sa bahay nila matulog na lang. kilalang fastfood pa naman sila. ano po kaya penalty ng company nila sa di pagbabayad ng overtime? maraming salamat po atty...
Last edited by mykel07 on Mon Mar 31, 2014 10:10 am; edited 1 time in total (Reason for editing : edit)