Goodafternoon. Kumuha po ung girlfriend ko ng house and lot last year. One year mahigit na po siyang naghuhulog para sa down payment tapos biglang sinabi sa kanya na hindi raw sapat ung salary nya para pautangin ng PAG-IBIG. Ang sabi po sa kanya ng ahente at nung tao dun sa office nung kinuhanan nya ng bahay ay sila na raw ang bahalang maglakad at sigurado daw na aaprubahan ng PAG-IBIG ung housing loan nya. Binibigyan po siya ng option na kumuha ng mas murang bahay o kaya naman ay humanap ng co borrower which is hindi naman ito ung napagusapan nila nung una. My question is ganun po ba talaga ang procedure hindi po ba dapat na ireview muna nila ung capacity nung tao bago nila pagbayarin. Kasi parang ang lumalabas pinagbayad muna nila ng down payment at nung nagbabayad na eh dun nila biglang sasabihin na hindi approve ung loan nya.
Free Legal Advice Philippines