I am a single mom,unmarried ever since.I have a 2 year old daughter from my ex-boyfriend. Mga more than two years na po akong, walang natatanggap na supporta sa tatay ng anak ko. Pumunta ung tatay ng anak ko sa New Zealand, nakipaghiwalay sa akin sa chat lng, dahil sa mga panahong iyon may nahanap na siyang iba.Simula nun, hindi na cya nagrereply sa email ka ukol sa supporta para sa bata. Nirarason niya na may babayaran daw siyang napakalaking utang daw, na nagkasakit daw siya ng isang linggo at hindi makapag trabaho at kunti lang masasahod niya at walang maipapadala. Hanggang sa hindi na tulluyang nagpadala at nagparamdam. Minsan, nai-email ko siya hoping na sana mabasa niya at maisip niya ang anak niya sa akin, pero walang nangyari. I was so much hopeful na sana he will have a chnged of mind at baka biglang magreply, yet wala pa rin.
Nung isang araw nalaman kong, nakabili na siya ng kotse niya dun at nabuntis pa niya yung babae niya dun.
Dun napressure ung idea kong ilalakad ko ang rights ng aking anak.Since I was the one working very hard to support my child since napanganak ko siya, at halos wala na akong naiipon dahil nagbabayad din ako ng upa, at iba pang bills.
Hingi po sana ako ng tulong kung saan ako magsisimula sa plano kong ito.
Kung hindi ko man siya madaan sa pakiusap sa email, at wala na talaga siyang reply, idadaan ko siya sa batas, para hindi na siya makatakas sa responsibilities niya sa bata. Hinahanap pa namn siya ng bata.
Kind regards,
Udaya Zurc