pa advice naman po...start po ito ng 2012 dinimanda po namin ang mag asawa ng sum of money at unlawful detainer nanalo naman po kami sa dalawang kaso. ngayon po ng dumalaw po ako sa province kung saan inaayos ko yung 2 kaso. ng paalis na po ako at nasa loob nako ng airport waiting for my flight to manila, may dumating pong mga pulis at inimbitahan ako sa office sa airport ng province. nakita ko po duon yung dinimanda namin sa dalawang kaso. may alias warrant of arrest po ang mga kasama nyang mga pulis wala ho akong nagawa kundi ang sumama sa kanila sa presinto nag bail po ako sa clerk. dalawa ho kaming mag asawa ang nakademanda. wala pa ho ang asawa ko sa pinas. at di ko daw pwedeng ibail out sya. kinuha ko po lahat ang mga papers sa clerk of court. lahat ho ng nasa folder like yung information, resolution, warrant of arrest na ordered ng judge. lahat po ito ay di po dumating sa akin. wala po akong nareceived na isa man. dahil po mali and address na pinpadalhan nila ng mga papeles. nakademanda po kaming mag asawa ng grave oral defamation. sa nakuha ko pong complaint/affidavit nilang mag asawa at ng dalawa niyang mga witnesses. nakasaad po dun na pinagsalitaan namin sila ng masasamang salita noong june 2012 kung saan dun nagsimula ang demandang sum of money at unlawful detainer. sa totoo lang po ng dumating kaming mag asawa ng province at tignan namin yung lupang binenta nila sa amin ay nagulat po kami na may nakatayong tindahan at bahay sila sa lupa. wala ho kaming sinabi sa asawang babae..wala ho ang asawng lalake. tinanong lang namin siya kung bakit andun pa sila samantalang me pinirmahan silang aalis sila duon at babayaran nila ang utang nila noong 2010 pa po. nagpaliwanag yung babae na hanggang dito at duon lang ang property namin. sabi lang nga asawa ko na sa abogado na sila magpaliwanag. may kasama po kaming kaibigan na taga province din yun. yung isang witness nila ay asawa ng anak nilang lalaki na katabing lote lang at may mag asawang nakamotor na narinig daw kaming nagsisigaw ng time na yun. ano po ba ang dapat kong panlabang demanda sa kanilang mag asawa at sa mga witnesses sa maling affidavit nila laban sa amin. paano po namin ma prove na wala kaming kasalanan na walang pagmumura at pagsisigaw na nangyari. paano ko po sila idedemanda sa kahihiyang naranasan ko sa airport. sobra ang iyak ko at syempre takot po ako dahil mag isa lang ako that time. ayaw ko nga pong sumama sa mga police sa office sa airport dahil mag isa lang po ako at di po ako taga ruon taga manila po ako.
sana po matulungan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin sa kaso. marami pong salamat
sana po matulungan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin sa kaso. marami pong salamat