Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NA SCAM ANG KUMARE NG NANAY KO, UTANG SA NANAY KO AT IBA PANG KASAMAHAN DI NA MABABAYARAN?

Go down  Message [Page 1 of 1]

kakygirl


Arresto Menor

Good morning po.

    Advice naman po, 2009 nang nangutang ng P50k sa nanay ko at sa mga kasamahan sa trabaho ung kumare po nila. Agad naman pong pinahiram ung kumare nila dahil gagamitin sa negosyo na tutunawin po ung mga bakal at iinteresan po kada buwan hanggat hindi pa nababayaran ung principal amount. syempre po dahil matagal na silang magkakasama sa trabaho at tiwala naman po, pinautang kahit walang kasulatan. ang nangyari every month iniinteresan naman hanggang sa noong 2010, hindi na nagbibigay ng interes dahil na scam nga ng mahigit P1M ung kumare nila. Magmula noon kinukulit na nila ung kumare nila pero last year nagpartial ng P20k dahil sabi sa bangko na pinagbentahan din ng lupa nila by january 2014, ibibigay na ung kabuuang bayad sa lupa. At ngayon, sinisingil na ng nanay ko at iba pa nilang kasamahan dahil un ang pinangako sa kanila na magbabayad once na dumating na ung pera. pero last month lang, parang nagparamdam sa nanay ko na baka hindi na sila bayaran nung balanse kasi sabi nung lawyer nung kumare ng nanay ko, kahit paano nagbigay na ng P20k kasi daw sa isang taong na scam, kahit may mga utang sa iba, kahit hindi na nga daw magbayad kasi nga wala na talagang maiibayad pero syempre kasi may pangangailangan sa pang araw araw ung mga taong pinagkautangan nya, gaya ng pambili ng gamot. pero mismong kumare nila na nascam ang nagsabi na nagbabayad bayad sila sa credit card. parang gusto kong sabihin na credit card pa ng credit card di muna pagbabayaran ung mga utang! at ngayon po, kinulit uli ng nanay ko ung kumare nya, ang sabi nagbayad na ang bangko pero pinambayad din sa ibang utang, in short, hindi po sila nanay isinama sa bayaran. Ano po ba ang dapat naming gawin kasi naaapektuhan na din ang nanay ko kasi minsan nakikita ko na nag iisip nang nag iisip baka po maapektuhan din ang kanyang kalusugan dahil hindi hindi biro ang P30k na utang na pinaghirapan naman din po. kaya sana bigyan nyo naman po ako ng advice pano po ang gagawin namin. Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum