I have this situation po and I badly need a legal advice.
Nakasunod po sa pangalan ng nanay ko (single) ang last name ko na registered na rin sa NSO. Problem is, nung bata pa ako, iniwan nya ako sa friend nya dahil kinailangan nyang pag-abroad. Practically, pinaampon nya ako nang walang papers. So eversince, yung last name na ginamit ko ay yung last name ng nag-ampon sakin. So lahat ng school and employment records ko ay nakapangalan sa umampon sakin. Buhay pa ang umampon sakin (foster mother), matagal nang patay yung asawa nya. Ngayon, may anak ako at sinunod ko sa illegitimate last name ko. Dahil din sa issue na to sa papeles ko, hindi ako makapagpakasal. I plan to marry the mother of my child pero I don't know where and how to start about fixing all these. I also plan to travel abroad sana but this is stopping me. I am 31 years old now and I want to use the last name I have been using eversince. My questions are: 1.) How do I go about changing my last name sa birth cert ko sa NSO? 2.)Pwede ba akong magpakasal using my illegitimate last name using other documents? 3.) meron po ba akong kelangang gawin sa birth cert ng anak ko na gamit yung illegit last name ko? Thank you in advance!