Madugo ito.
Kumuha ng NSO birth cert ng mga bata. Kung name mo ang andun ay malinaw na ikaw ang kinilalang ama ng mga bata unless i-challenge mo yun thru paternity tests para malaman mo rin ang katotohanan. Maari mo sigurong maisagawa ito na may discretion habang nasa paligid mo sila. Pagka nalaman mo na negative ang resulta, sumangguni ka sa abogado mo para sa nais mong mangyari.
Note, may mga batang pinapanganak kahit 7 months pa lamang sila sa mga ilang kadahilanan tulad ng maagang labor, pagkasira agad ng panubigan etc etc. May cases din na 8 months. Kaya makakatulong sa iyo ang DNA tests kung ikaw ay diskumpyado at interesado pa ring malaman ang resulta. Magastos pero sa bahid ng laway pa alng sa DNA ay malalaman muna ang katotohanan.
Dahil sa hindi kayo ikinasal, maaring hindi conjugal mga properties ninyo afaik. Mababase ang hatian sa bawat porsyente ng pera o kontribution ng bawat isa sa ari arian. Mga ari-ariang naangkin ninyo sa panahon ng pagsasama ay inyong hahati hatiin lalo na't pangalan ninyong dalawa ang nasa titulo. Matagal, maproseso, mabusisi, magastos.
Kung hindi kayo ikinasal, at inaako mo ang mga bata sa BC o kasulatan, sila pa rin (sa ngayon) ay legitimate children mo pa rin. May habol sila sa legitimes at mga karapatan bilang mga anak mo (sa ngayon). Obligasyon mong magbigay/humati sa sustento para sa mga bata. Wala kang obligasyon sustentuhan ang nanay ng mga bata.
Pagisipang pong mabuti at maaring ikadulot nito ang paglayo mo sa mga bata o paglayo ng damdamin ng mga bata sa iyo. Pakatatag ng husto kung ito'y mas ikaliligaya mo.
Sumangguni sa abogado mo kung yan ang nais mo. GL