May nabuntis po ako. Hindi ko po girlfriend yung babae. 1 year old na po yung baby, at nasa mother. Nagbibigay na po ako ng support sa bata. Dati in terms of needs like milk, diaper, medicines, etc. Ok naman during those time. Lately, dahil lumipat sa province temporarily yung bata, hindi ko na mapuntahan, kaya pera na ang pinapadala ko. Today, nagpadala po ako ng 1K, dahil nanghingi po yung nanay. Just last week, nagpadala po ako ng 3K. 2 weeks before that, nagpadala po ako ng 5K. Ang kinikita ko po per month is roughtly 20K, depende sa takbo ng negosyo. Single po ako.
Last week po, nag 1st birthday yung bata. Gusto ng mommy mag celebrate, hinihingan ako ng 10K. sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko kaya magpadala ng panghanda, para sa sustento lang.
Magmula po last week ay minumura na ako ng nanay ng bata sa text at tawag. Kulang daw yung binibigay ko. Ngayon po, hinihingan pa ulit ako ng 10K para daw pabinyagan yung bata.
Tanong ko lang po:
1. Kulang po ba talaga yung binibigay ko? Kasi nung ako po ang nagdadala ng mga gamit para sa bata, halos 1-1.5K per week lang ang nagagastos ko.
2. Mali po ba ako sa hindi pagpapadala ng pang celebrate ng birthday at ng pang binyag?
3. Maaari po ba ako magsampa ng reklamo sa pagmumura nya sa akin?
Sana po masagot ang mga katanungan ko. Salamat ng marami