i am seeking for legal advice.. I am working in a company na nagmamanufacture ng isang brand ng cellphone dito sa Philippines. Last year po service provider kami ang company namin ng isang sikat na brand ng cellphone, pero dumating po kaso sa punto na humina ang brand na ito, and since nagmanufacture ng sariling brand ang aming kumpanya, hindi na sila nag renew ng contract with that big company.,
so since may mga unclaimed units pa sa akin ako pa din ang may hawak ng mga ito at wala pa ibang binigay na task sa akin sa opisina, tuwing may free time ako at wala ginagawa, tumutulong ako sa mga aftersales admin like mag quality control ng mga repair units, mag register ng unrepair units..
etong isang specific na tao na tinutulangan ko, nung nagchecheck sya ng mga units na dumating sa kanya for repair mau nawawalang apat, at hiningan sya ng incident report ng aming HR, at dahil sinabi nya ako yung tumutulong sa kanya ng mga panahon na nawawala ang cellphone, pinagdiinan nya sa IR nya na kinuha ko ito.. May kopya po ako ng IR nya..
pinatawag kami ng HR at pinagpaliwanag sa harap nila, mamg nalaman nila na meron syang pinirmahan na narcv nya un mga sirang cellphone, at walang kahit anong katunayan na nahawakan ko ang mga cellphone na nawawala, ang sabi ng HR, sya daw ang mananagot lahat at machacharge, dun sya nagsimula sa pambubully saken..
madalas nya ako paringgan, nagtimpi ako dahil ayoko na sana ng away o anu pa man, pero isang beses hindi na ako nakapagpigil sa pagpaparinig nya at sumagot ako.. Pinagsisigawan nya sa harap ng mga kaopisina namin na magnanakaw daw ako, at guilty daw ako..
this cause me emotional stress dahil sinisira nya ang pangalan ko, at pinapahiya nya ako sa mga kaopisina namin. Buntis po ako..
ano po kaya ang pwede ko i-file na kaso sa kanya sa pambibintang na wala kahit anong ebidensya at sa pambubully at paninirang puro nya sa akin? Sobrang stress na po ako..
inaasahan ko po ang inyong sagot. Salamat po