Magandang Araw po sa lahat!!! Sana po ay matulungan po ninyo ako sa problema ko sa lupa. ito po kasi ay lupa ng lolo ko at hanggang sa ngayon po ay nakapangalan pa rin po sa kanya ang titulo, Sa ngayon po ay hindi pa namin hawak ang titulo na kasalukuyang nasa Region Office pa. Sa titulo po, ay nakapangalan po silang anim na magkakapatid sa iisang titulo po lamang na sila po ang tagapagmana. doon po sa kanilang magkakapatid, meron po silang isang "Representative" na kung saan siya po ang humaharap sa twing may kaso po tungkol sa lupa. Sa ngayon po ay namatay na po ang tinatawag nilang "Representative" ng lupang iyon. at dalawa na lamang sa mga tagapagmana ng lupa ang natitirang buhay. Ito po ang tanong ko: Kapag po ba namatay na ang representative ay ang anak ang hahalili sa kanya? Wala na po ba kaming karapatan bilang mga apo ng may ari ng lupa?
Free Legal Advice Philippines